Read the actual documents
By Raïssa Robles
If Carlo J. Caparas, the king of massacre movies, were to make a film out of the Ram Revilla murder, an apt title would be – “God help me, the killers I hired are idiots,” my hubby Alan said. This was after he heard me giggling at times and expressing disbelief while reading the two killers’ confessions.

Police present to media 2 suspected killers of Ram Revilla: Roy Francis Tolisora, 26, and Michael Nartea, 34
I couldn’t help it. I know, I know. It turned out really tragic in the end.
But in all my life reading murder mysteries – of which I’m a great fan – the confession of the two suspected killers left me somewhat in stitches.
Let me give you first an overview so you can understand what I’m saying.
Ramgen Revilla was murdered on October 28, 2011, a Friday night and the start of a long holiday.
The next day Saturday October 29, Ramgen’s half-brother Senator Bong Revilla announced a bounty of half-a-million pesos for any information that would lead to the arrest of the murderers.
The following day, Sunday October 30, a certain Ruel Puzon walked into the Parañaque City police station around dusk saying he wanted to disclose what he knew of the murder in order to give justice to the slain Ramgen.
Puzon claimed there were previous failed attempts to murder Ramgen by six other people. Because of Puzon’s revelations, two suspects were picked up early the following day, a Monday but still a holiday.
Puzon named these suspects as Roy Francis Tolisora alias Kiko or Francis and Michael Nartea.
Both Francis and Michael in turn implicated Ramgen’s younger brother Ramon Joseph or RJ – as the financier of the murder. They also said younger sister Ramona or Mara was RJ’s accompice.
That very evening of Monday, October 31, RJ was waylaid by the police while driving on the road. Ramona went missing.
Parañaque police station chief Billy Beltran then told reporters that the group which included Francis and Michael had tried to kill Ramgen thrice on October 12. Finally on October 28 the same group succeeded, Beltran said.
In their counter-affidavits, both Francis and Michael did not deny being hired to kill Ramgen. In fact they admitted being ordered to kill Ramgen on October 9. They admitted they tried to kill Ramgen thrice on October 12. And again on October 13.
But both refuted Puzon’s allegation that they had finally carried it out on October 28. They couldn’t have, they said.
Because they both claimed they were found to be so inept that they were replaced by those who had hired them. They pointed to the whistleblower Ruel Puzon as one of their replacements. They claimed Puzon was among those who had actually carried out the October 28 murder.
To understand what I’m saying, you have to read the actual counter-affidavits of Roy Francis Tolisora alias Kiko or Francis and of Michael Nartea; as well as the affidavit of Ruel Puzon. These will give you the full flavor of the story and understand where the police are coming from.
I’d like to thank the person who gave me these documents.
Start with the counter-affidavit of Roy Francis Tolisora below:
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )
PARAÑAQUE CITY ) S.S.KONTRA-SALAYSAY
Ako, si ROY FRANCIS TOLISORA, 26 taong gulang, Filipino at nakatira sa No. 7229 A. Bonifacio Extension, Brgy. San Dionisio, Parañaque City, matapos makapanumpa alinsunod sa batas ay nagsasaad ng mga sumusunod, na:
1.Ako ang isa sa mga sinampahan ng demandang Murder sa pagkakapaslang kay Ramgen Jose Bautista at Frustrated Murder sa tangkang pagpatay kay Janelle Ann Caren Manahan at may I.S. No. XV-12-INQ 11K03213.
2.Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Ramgen Jose Bautista at sa pamamaril kay Janelle Ann Caren Manahan na naganap noong October 28, 2011 bandang 11:45 PM, dahil nang araw at oras na iyon ay kasama kong nag-iinom si Roger Lapides simula 9:00 PM hanggang mga 4:00 AM ng October 29, 2011.
3.Ang buong katotohanan ay ang mga sumusunod. Noong September 28, 2011, ay pinakilala sa akin ng high school classmate kong si Dondon si Brian. Si “Brian” ay kinausap ako at kukunin niya raw ako upang patayin daw ang isang nagngangalang “Ramgen” at binigyan pa niya ako ng litrato nito ang dinig ko pa nga nuon ay Ramjun. Nagpakilala siyang taga-BF daw siya at nagtatrabaho sa mga Revilla. Si Brian ay maputi, chinito, parang Korean pop star na may tattoo sa upper right arm. Sinabi niya na wala daw maghahabol kung sakaling magawa ko ang pinagagawa niya sa akin at babayaran niya daw ako ng P250,000.00 at papupuntahin daw ako sa ibang bansa pagkatapos.
4.Sinabi pa ni Brian na kailangan ko daw magawa agad ang pagpatay dahil nananakit daw itong si Ramgen ng kanyang mga kapatid at pati ang nanay niya ay sinasaktan din daw niya. Hindi naman sinabi ni Brian ang apelyido ni Ramgen, kaya’t hindi ko alam na anak pala ito ng dating Senator Ramon Revilla, Sr.
5.Pumayag ako at hiniling ko na mag-down sila ng P150,000.00 dahil kailangan ko pang bumili ng mga gagamiting baril pero ang binigay lamang niya sa akin ay P50,000.00. At sa perang binigay ni Brian sa akin, nagastos ko agad ang P26,000.00 pambili ng isang .45 caliber at .38 caliber na baril.
6.Noong October 3, 2011 bandang mga 1:00 PM ay agad kaming nag-surveillance sa subdivision nina Ramgen sa BF Homes Phase 6-A kasama ko si Mario. Hindi kami nakapasok sa loob ng subdivision dahil sa higpit ng security kaya naisip namin na abangan na lamang sa labas ng bahay niya si Ramgen.
7.Sinubukan namin sundan si Ramgen nang makalabas ito ng subdivision nila sakay ng Explorer ngunit hindi namin siya nasundan dahil nakasakay lamang kami sa isang taxi dahil na rin wala kaming sasakyan at hindi rin kami marunong mag-drive.
8.Nang sabihin ko kay Brian ang aming planong abangan na lamang namin sa labas ng subdivision si Ramgen dahil nga hindi kami makapasok sa loob ng subdivision ay sinabihan niya kami na ingatan namin ang kotse ni Ramgen na isang Ford Explorer na may plate number ZCW-633 dahil gusto raw ito ng “BOSS” niya. Nang lumabas ang Explorer sakay si Ramgen ay hindi namin nagawang harangin at barilin si Ramgen dahil ninerbyos kami kaya nagdahilan na lamang kami kay Brian na hindi namin natuloy ang plano dahil may malapit na pulis sa lugar na pinuntahan ni Ramgen.
9.Noong October 6, 2011 ay nagpunta si Glaiza sa bahay ko upang humingi kay Brian ng P20,000.00 bilang bayad dahil kotse na lamang daw niya na isang silver gray na Vios ang gagamitin sa pagpatay. Pero P5,000.00 lang ang binigay ni Brian kay Glaiza.
10.Noong October 9, 2011 ay sinabihan kami ni Brian na abangan daw namin si Ramgen sa Mansion sa Cavite at duon namin tirahin dahil naroon daw si Ramgen tuwing linggo dahil namimigay ito ng bigas sa mga taga-Cavite. Hindi kami pumunta dahil umuulan ng mga panahong iyon pero ang sinabi ko kay Brian ay nasa area lang kami kahit sa totoo nun ay nasa bahay lang kami.
11.Tinawagan ako uli ni Brian noong October 10, 2011 at galit na galit na dahil naiinip na daw ang “Boss” niya kaya sila na daw ang gumawa ng plano at ang gagawin na lamang namin ay pumasok sa bahay nina Ramgen at patayin siya. Sila na daw ang bahala kung papaano kami makakapasok at makakalabas ng subdivision. Kailangan na daw namin ituloy ang plano dahil sinaktan daw uli ni Ramgen ang kanyang ina at 2 niya maliliit na kapatid dahil nagsumbong ang nanay niya na ito ay gumagamit ng droga at inuubos daw ang pera sa pagbili ngmga baril. Dahil daw sa sumbong na ito ay napagalitan si Ramgen ni Sen. Revilla, Sr.
12.Noong gabi ng October 10, 2011 ay sinundo kami (ako at si Mario) ni Brian gamit ang isang itim na Montero na wala pang plate number at pinasakay kami sa likod ng sasakyan at tinakluban ng comforter. Ang driver ng Montero ay pinakilala ni Brian na isa sa mga boss niya na si Ramon Joseph o RJ.
13.Nakarating kami sa BF Homes ng mga bandang 12 AM na ng October 11, 2011 at nakita naming bukas ang gate at main door ng bahay pati ang ilaw sa sala nila. Ipinark ni RJ ang Montero sa tapat ng bahay at dun na lang daw sila maghintay ni Brian at pagkatapos namin magawa ang pagpatay kay Ramgen ay dun din kami sasakay papalabas ng subdivision habang si Glaiza naman ay nasa loob ng sasakyan niya sa labas ng gate ng Phase 6-A magaabang lamang sa aming paglabas para duon sa sasakyan niya ilalagay ang mga baril na gagamitin at sila na ang bahalang magtapon ng mga ito. Kami naman ay ibababa ni Brian at RJ sa amin.
14.Bago kami pumasok ni Mario sa loob ng bahay ay tinawagan muna ni Brian si Maria Ramona o Mara na nuon ay nasa loob ng bahay at tinanong kung gising pa si Ramgen. Sinagot siya nito nang “Oo. Kakukuha lang ng inumin.”
15.Madali kami nakapasok dahil bukas ang gate, bukas ang main door at nakabukas din ang ilaw sa sala. At nang paakyat na kami ng hagdanan papuntang 2nd floor kung saan andun ang kuwarto ni Ramgen ay nagulat kami ng makita namin ang malaking litrato ni Sen. Ramon Revilla, Sr. sa ibabaw ng piano at kinabahan kaming dalawa at natigilan pa kami sa paglalakad. Laking takot at nerbiyos ang naramdaman ko dahil kilala at maimpluwensiyang tao ang ama ng taong papatayin namin. Pero dahil nanduon na kami at nagamit ko na rin ang perang binayad sa akin ay napilitan na kaming umakyat at ituloy ang plano.
16.Ako ang may hawak ng baril na .45 at ang plano ay si Mario ang kakatok sa kwarto ni Ramgen at kapag lumabas ito ay babarilin ko pero hindi natuloy dahil walang dalang baril si Mario at ayaw niyang maipit kung sakasakali kaya bumaba kami at pumunta sa Montero. Sa pangalawang pagakyat namin ay si Mario na ang humawak ng baril at ako dapat ang kakatok tapos ay tatakbo ako sa likod ni Mario dahil ako naman ang mawawalan ng baril ngunit ayaw naman ni Mario na ako ay pumunta sa likod niya kaya bumaba kami muli. Sa pangatlong pagakyat namin ay ako na muli ang humawak ng baril pero nasa hagdanan pa lang kami ay umayaw na si Mario dahil hindi daw siya komportable na walang baril kaya bumalik kami ng Montero at sinabi kay Brian na kailangan naming bumalik sa bahay upang humiram ng baril si Mario sa kumpare niya.
17.Galit na galit si Brian sa amin pero wala siya magawa kaya bumalik kami sa Tramo mga bandang 2:00 AM. Ayaw nang sumama muli ni Mario dahil natakot daw siya kaya ang anak na lamang niyang si Michael Nartea ang ipinasama sa amin na kagigising lang ng mga panahong iyon at bigla na lamang pinasakay sa Montero.
18.Pagbalik ng BF Homes ay si Brian na ang nag-drive upang mas mapabilis daw. Pagdating namin sa bahay ay nagtalo pa kami sa sala ni Michael dahil hindi naman daw namin sinabi sa kanya na anak pala ni Sen. Revilla ang aming titirahin sinabi ko na lang na nagkasubuan na kaya ituloy na lang namin. Nuong umaakyat kami ng hagdanan ay maingay ang tsinelas na suot ni Michael kaya bumalik pa kami ng Montero at pinahiram ni Brian ang sapatos niya kay Michael.
19.Nang nasa hagdanan na kami ay tinanong ni Michael kung nasubukan na daw ba namin iputok ang .45 dahil baka daw mag-jam ito. Ang sabi ko hindi pa kaya bumaba uli kami ng hagdanan. Nang aakyat na uli kami ay pareho kaming kinabahan dahil natakot kami sa litrato ni Sen. Revilla, Sr. na nasa ibabaw ng piano dahil sa nanlilisik nitong mata. Kaya’t dali dali kaming bumalik sa Montero at dinala uli kami ni Brian pabalik sa Tramo at pinagalitan kami dahil hindi na naman daw namin nagawa ang plano pero sinabi niya na ulitin na lamang daw namin uli mamayang gabi.
20.Nang makauwi kami ay nagsabi sa akin si Michael na wala siyang pera pangkain ng mga anak niya kaya hindi na ito makakasama sa akin ng gabing iyon dahil kailangan niya muna maghanap ng makakain ng pamilya niya. Dahil dito ay sinangla ko muna ang .45 na baril na gagamitin namin sa halagang P3,000.00 at binigay ko ang pera kay Michael para may panggastos siya.
21.Nang mga bandang 11:00 PM ng araw ding iyon ay tinext ako ni Brian at pinapupunta kami sa BF Homes para ituloy ang planong pagpatay kay Ramgen pero hindi ko pa nuon sinasabi na isinangla namin ang baril at wala kaming baril na magagamit. Pero napilitan na rin kami magsabi kaya bumalik kami sa amin sakay ng Montero na minamaneho nuon ni Mara upang tubusin ang sinangla naming baril.
22.Na, nang makuha na namin ang baril ay sumakay na kaming muli ni Michael sa loob ng Montero na minamaneho ni Mara habang si Brian ay sumakay naman sa isang Innova na silver gray at ang dalawang sasakyan ay pumarada na magkasunod sa tapat ng bahay nina Ramgen. Si Brian ang magmamaneho ng Innova at ang plano ay kapag narinig na nila ang putukan ay lalapit ito sa guard house upang ma-distract ang guwardiya habang kami ay tumatakas sabay naman ang Montero na minamaneho ni Mara. Habang si Glaiza naman kasama ang kanyang nobyo nitong si Norwyn o “Toto” ay nasa labas uli ng Phase 6-A at nagaabang at duon sa kanyang sasakyan namin ilalagay ang baril na gagamitin.
23.Habang nakatayo si Michael sa hagdanan hawak ang baril ako naman ay tumayo sa tabi ng pintuan at kumatok. Sa unang katok ko ay walang sumagot pero sa pangalawang pagkatok ko ay sumigaw si Ramgen ng “Sino yan? Sino yan?” pero hindi kami sumasagot. Bigla na lamang binuksan ni Ramgen ang pinto ng kuwarto niya, pero hindi ito lumabas o sumilip man lang. Hinintay namin lumabas siya ng kwarto pero hindi niya ito ginawa at makalipas ang ilang sandal ay sinara niya uli ang pintuan at narinig ko na nagkasa ito ng baril sa loob ng kwarto niya habang may kausap sa telepono at sinasabing “Security pumunta kayo dito sa bahay namin parang may nakapasok!”
24.Nang marinig ko iyon ay dali dali kaming bumaba ni Michael at sumakay sa Montero. Lumapit sa amin si Brian at tinanong kung ano nangyari. Sinabi ko na umalis na kami dahil narinig kong tumawag na ng security si Ramgen kaya lumabas na uli kami ng subdivision.
25.Na, nagalit na ng tuluyan sa akin si Brian dahil hindi ko na naman nagawa ang pinaguutos niya kaya sinabihan niya ako na “out” na daw ako at ibalik ko na lang ang baril at ang perang binayad niya sa akin. Hiningi din niya sa akin ang picture ni Ramgen na binigay niya nung una naming pagkikita.
26.Na, noong October 14, 2011, ay tumawag sa akin si Glaiza at hinahanap si Michael dahil daw hindi ito mahanap samantalang binigyan na sila ni Katso o Ruel Pozon ng P20,000.00. Sabi ko hindi ko alam dahil hindi ko rin nuon nakikita si Michael.
27.Buong maghapon ng October 28, 2011 ay nasa bahay lamang ako at natutulog at lumabas lamang mga bandang 6:00 o 7:00 PM upang tumambay sa may tindahan ni Liza Naranjan at sa bilyaran sa likod nito. Habang ako ay nakatambay sa bilyaran mga bandang 9:00 PM ay dumating si Roger Lapides at niyaya akong maginom at sumama naman ako.
28.Na, nag-inuman kami ni Roger Lapides sa bilyaran/pool hanggang magsara ito ng mga bandang 1:00 AM na ng October 29, 2011 kaya lumipat kami sa “Stay Cool” na tindahan ng yelo na may katabing beer house at natapos kami ng mga bandang 4:00 AM na ng medaling araw.
29.Na, habang nagiinuman kami ay walang patid ang pagtetext at pagtawag sa cellphone ko ni Glaiza. mga bandang 4 AM ay nagpunta kami sa Bulungan upang bumili ng isda pero umalis din ako agad dahil tinawagan ako uli ni Glaiza at sinabing papunta sila ng kanyang nobyong si Norwyn sa bahay namin.
30.Na, nang dumating sina Glaiza sa bahay ay sinabi niya na napatay na daw nila si Ramgen at nadamay pa ang girl friend nito. Palalabasin na lamang daw nilang love triangle. Nasabi din ni Glaiza na nasa kanya daw ang lahat ng ginamit sa pagpatay kay Ramgen. Pero hindi niya na sinabi sa akin kung sino ang pumatay kay Ramgen.
31.Na, ang Kontra-Salayasay na ito ay aking ginawa upang pabulaanan ang demandang isinampa laban sa akin.
PATUNAY NG LAHAT ng ito ay ang aking lagda ngayong ika-9 ng Nobyembre, 2011 dito sa City of Parañaque, Philippines.
ROY FRANCIS TOLISORA
NagsasalaysayCERTIFICATION
SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 9th day of November, 2011 at Paranaque City and I hereby CERTIFY that I have personally examined the affiant and I am satisfied that he voluntarily executed and understood the same.
HON.LEAH C. ROMA
Assistant City Prosecutor
Compare Francis’ counter-affidavit with Michael Nartea’s counter-affidavit below –
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES )
PARAÑAQUE CITY ) S.S.KONTRA-SALAYSAY
Ako, si MICHAEL JAY NARTEA, 34 taong gulang, may asawa, Filipino at nakatira sa No. 6751, Tramo-1, Brgy. San Dionisio, Parañaque City, matapos makapanumpa alinsunod sa batas ay nagsasaad ng mga sumusunod, na:
1.Ako ang isa sa mga sinampahan ng demandang Murder sa pagkakapaslang kay Ramgen Jose Bautista at Frustrated Murder sa tangkang pagpatay kay Janelle Ann Caren Manahan at may I.S. No. XV-12-INQ 11K03213.
2.Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Ramgen Jose Bautista at sa pamamaril kay Janelle Ann Caren Manahan na naganap noong October 28, 2011 bandang 11:45 PM dahil nang mga panahon na iyon ay kasama ko ang aking kinakasama ngayong si Andrea Salundades Villanueva.
3.Sa totoo lang ay nadamay lamang ako sa gulong ito nang ako ay gisingin ng aking ama sa bahay namin nuong October 11, 2011 mga bandang 2 AM. Pinasama niya ako kay Francis Tolisora at sumakay kami sa isang Montero black na minamaneho ni Brian at sakay naman si Ramon Joseph o RJ.
4.Ang pagkakaalam ko lang ay sasama lang ako kay Francis at habang papunta kami sa BF Homes ay sinabi sa akin ni Brian na papatayin nga daw namin si Ramgen. Wala na ako magawa dahil nakasakay na ako sa sasakyan pero hindi ko kilala kung sino ang Ramgen na sinasabi niya.
5.Nang makarating na kami sa BF Homes at makapasok na sa loob ng bahay nina Ramgen ay nakita ko agad sa ibabaw ng piano ang litrato ni Sen. Ramon Revilla, Sr. kinagulat ko at bigla akong kinabahan at sinabi ko ito kay Francis dahil wala naming nagsabi sa akin na isa pa lang Revilla ang titirahin namin.
6.Napabalik kami ng Montero dahil yung tsinelas na suot ko ay maingay kapag hinahakbang ko sa hagdanan kaya pinahiram ako ni Brian ng sapatos niya.
7.Kinakabahan pa rin ako kaya habang nasa hagdanan kami ay tinanong ko si Francis kung nasubukan na ba niyang iputok ang .45 na baril na dala namin dahil baka bigla mag-jam iyon. Nang sagutin niya ako ng hindi pa ay napababa uli kami ng hagdanan dahil natakot at kinabahan ako muli. Hindi na kami umakyat muli ni Francis kasi pareho na kaming kinabahan at dahil natatakot parin kami sa litrato ni Sen. Revilla, Sr. na nasa ibabaw ng piano dahil sa nanlilisik nitong mata. Kaya’t dali dali kaming bumalik sa Montero at dinala uli kami ni Brian pabalik sa Tramo at pinagalitan kami dahil hindi na naman daw naming nagawa ang plano pero sinabi niya na ulitin na lamang daw namin uli mamayang gabi.
8.Nang makauwi kami ay nagsabi ako kay Francis na hindi ko na siya masasamahan sa kasi kailangan ko muna maghanap ng ipangkakain ng pamilya ko. Naawa sa akin si Francis kaya naisip niya na isangla muna ang .45 na baril na gagamitin dapat namin sa pagpatay kay Ramgen sa halagang P3,000.00 at binigay niya ang pera sa akin para may panggastos ako at makasama sa kanya nung gabing iyon.
9.Nang mga bandang 11PM ng araw ding iyon ay nakatanggap si Francis ng text galing kay Brian at pinapupunta kami sa BF Homes pero hindi pa niya nuon sinasabi na isinangla niya ang baril at wala kaming baril na dala. Pero napilitan na rin kami magsabi kaya bumalik kami sa amin sakay ng Montero na minamaneho nuon ni Mara upang tubusin ang naisanglang baril.
10.Habang hinihintay namin si Francis na tubusin ang nakasanglang baril ay ipinakita sa akin ni Brian ang perang P200,000.00 na nasa loob ng paper bag ng Starbucks na iniabot sa kanya ni Mara at sinabi sa akin na kapag napatay na namin si Ramgen ng gabing iyon ay ibibigay niya agad ang pera sa amin at sila na rin daw ang bahala sa gagastusin kung gusto namin pumunta sa ibang lugar.
11.Tinanong ko pa si Brian kung hindi ba delikado ang gagawin natin dahil si Ramgen ay isang Revilla at siguradong malalaking tao ang babanggain namin. Sinagot niya ako nang “Huwag kayo magalala. Wala na kayo iintindihin dito. Lahat ng tao sa bahay alam na itutumba si Ramgen. Ang nanay niya, mga kapatid, Lolo Amang, mga katulong at driver. Iisa lang kalaban natin diyan ung PA ni Ramgen. May nagbibigay sa akin ng info kung ano ang schedule at lakad ni Ramgen. Napapahiya na ako sa “boss” ko.”
12.Nang makuha na namin ang baril ay sumakay na kaming muli ni Michael sa loob ng Montero na minamaneho ni Mara habang si Brian ay sumakay naman sa isang Innova na silver gray at ang dalawang sasakyan ay pumarada na magkasunod sa tapat ng bahay nina Ramgen. Si Brian ang magmamaneho ng Innova at kapag narinig na nila ang putukan ay lalapit ito sa guard house upang ma-distract sila habang kami ay tumatakas gamit naman ang Montero na minamaneho ni Mara. Habang si Glaiza naman kasama ang kanyang nobyo ay nasa labas uli ng Phase 6-A at nagaabang at duon sa kanyang sasakyan namin ilalagay ang baril na gagamitin.
13.Tinawagan pa ni Mara si RJ habang nasa loob kami ng Montero at tinanong nito kung gising pa si Ramgen. Nang malaman na gising pa nga ito ay bumaba na kami ng Montero at pumasok na sa bahay.
14.Habang nasa tabi ng pintuan si Francis dahil siya ang kakatok sa kuwarto ni Ramgen, ako naman ay tumayo sa hagdanan habang hawak ang baril. Sa unang katok ni Francis ay walang sumagot pero sa pangalawang pagkatok niya ay narinig naming sumigaw si Ramgen ng “Sino yan? Sino yan?” pero hindi kami sumasagot. Bigla na lamang binuksan ng malaki ni Ramgen ang pintuan pero hindi ito lumabas o sumilip man lang. Hinintay namin lumabas siya ng kuwarto pero hindi niya ito ginawa at makalipas ang ilang sandali ay sinara niya uli ang pintuan.
15.Bigla akong hinila ni Francis pababa ng hagdanan dahil narinig daw niyang may kausap sa telepono si Ramgen at tumawag na ng security. Pagpasok namin sa loob ng Montero ay lumapit sa amin si Brian at tinanong kung ano nangyari. Sinabi ni Francis na narinig niyang tumawag ng security si Ramgen kaya umalis na kami agad ng subdivision.
16.Nagalit na ng tuluyan si Brian dahil hindi na naman natuloy ang plano niya kaya sinabihan niya si Francis na “out” na ito at hinihingi niyang ibalik ni Francis yung .45 caliber na baril at ang perang binigay niya dito.
17.Nang pinaalis na si Francis sa grupo ay kinuha nila si Katso o Ruel Pozon bilang kapalit. Kasama na namin si Katso nang pumunta kami kina Francis para kunin ang .45 caliber na baril at nakita ko ring inabot ni Francis kay Brian ang maliit na picture ni Ramgen.
18.Nang makaalis na si Francis sa grupo ay minabuti ko na ring kumalas dahil napilitan lang naman talaga akong sumama sa grupong iyon dahil kay Francis. Nagtago ako kina Glaiza at Brian at nabalitaan ko na lamang na ang ipinalit nila sa akin ay si “Lim” Komeda.
19.Sa pagkakaalam ko ay sina Katso at Lim ang tumuloy ng plano. Kaya laking gulat ko nang bigla na lang kami damputin ni Francis ng mga pulis habang sina Katso at Lim ang sinasabi nilang witness nila. Sa pagkakaalam ko rin ay si Lim ay may pagaaring isang dagger na may lagayang leather. Ang handle ng dagger na ito ay gawa sa kahoy at black na ang haba ay katulad ng sa isang long folder.
20.Maaaring kaya lumabas at nagpapanggap na witnesses sina Katso at Lim ay dahil sa gusto nilang makuha ang pabuyang inilaan ni Senator Bong Revilla sa kung sino man ang makakapagturo sa pumatay kay Ramgen.
21.Sa totoo lang ay buong araw ng October 28 hangang 29 ng 2011 ay nasa bahay lamang ako kasama ang aking kinakasamang si Andrea Salundades Villanueva kaya imposible ang ibinibintang nila sa akin at aking kasintahan ang makakapagpatunay nito.
22.Na, ang Kontra-Salayasay na ito ay aking ginawa upang pabulaanan ang demandang isinampa laban sa akin.
PATUNAY NG LAHAT ng ito ay ang aking lagda ngayong ika-9 ng Nobyembre, 2011 dito sa City of Parañaque, Philippines.
MICHAEL JAY NARTEA
NagsasalaysayCERTIFICATION
SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 9th day of November, 2011 at Paranaque City and I hereby CERTIFY that I have personally examined the affiant and I am satisfied that he voluntarily executed and understood the same.
HON. LEAH C. ROMA
Assistant City Prosecutor
Finally, compare Francis and Michael’s counter-affidavits with the one below of Ruel Puzon, the whistleblower who stands to earn part of the bounty:
______________________________
Related Story:
Justice 4 Ramgen says
Hello, kindly see my email to you. It might went straight directly to your spam folder. I sent it at [email protected]. Thank you so much!
Ps. Kindly delete this comment afterwards. Thanks!
LIGHT says
KINDLY READ ARTICLES ABOUT THE TESTIMONY OF THE STAR WITNESS PUZON ON WEB GMA JUNE 19 , 2012 , WHEN HE WAS ASKED BY THE JUDGE IF HE IS MAKING UP STORIES
nelson ongpauco says
nabasa kong statement ni francis at michael ay pareho ang sinabi nila pero itong si ruel ay iba itinuturo niya yung dalawa para malayo si ramona at ang mga kapatid niya na mapaghinalaan na mastermine sa pagpatay sa kapatid ..dapat ay kunan ng finger print ang mga kotseng sinssabi noong dalawa pati narin ang kumot na ipinantakip sa at litrato na ibinigay sa kanila ….nasabi ng dalawa na ibinigay daw nila kay ruel ang baril at may nasabi pang dagger na nakita na ari ni ruel at kunin din ang finger print …..noon si revilla ang pinagbibingtangan ni genilyn na pumatay pero ng nabuhay ssi jenelle ay si jenelle daw ang nag papatay halata namang nagbibintang lang si genelyn para hindi sya maapaghinalaan na master mine sa pagpatay sa anak..nakuha na ba ang 500.000 thousand pesos na pabuya…yung mga taong naghire sa dalawa hinuli naba ….kung walang kinalalaman si ramona ay bakit sya umalis ng pinas …..yung dalawa ay hindi naman tunay na mamamatay ng tao kaya naduwag sila at ng nakita nila ang litrato ni revilla sr ay natakot sila ….sa galit ni ruel ay itinuro sila.. para malayo ang suspetsa sa kaniya …bakit hindi tinanong ng pulis kung ano ang matibo ng dalawa dahil hindi naman nagnakaw SO! bakit papatayin si ramgen at papaano nakapasok sa loob ng subdivisyon ang daalawa kung walang sinakyan kaya dapat kunan ng finger print ang mga kotseng ginamit para makapasok sa loob ng nsubdivision…
mhylle cabahug says
sobrang nakakatawa naman tong hired killers na to!
PINOY says
Dapat ang title nito ay: ” Tale of 2 nervous killers” not “tale of 2 idiot killers”.
PINOY says
Wala namn akong nakitang nakakatawa dito. Malinaw na kinabahan talaga sila at natakot sa gagawin nila, nangngahulugan lamang na hindi sila talaga halang ang kaluluwa. Eto ang isipin nyo, kung natatawa ka sa sinalaysay nila at sinasabi pa ni Raissa Robles na idiot sila, ibig sabihin ba nito e mas magaling ka sa kanila? mas matapang ka sa kanila? mas buo ang loob? mas matalino? aba e, mas nakakatakot ka. Kasi, ibig sabihin mas magagawa mo yung ginawa nila na pagpatay. Natural lamang sa isang tao na kabahan o matakot (kung ikaw ay talagang tao) kung gagawa ka ng masama. Kung ikaw ay hindi na natatakot, aba e talagang wala ka na sa matinong pag-iisip. Isipin nyong mabuti.
Ed says
Mag post na muna ako bago ko tapusin ang pagbasa (nasa affidavit pa lang ako ni Roy Francis)at baka mamatay ako sa kakatawa, hahahahaha.
Ninjacops says
yeah they may be idiots but I think their statements are reliable, much more, credible compared to Ramona’s statements..it corroborates the evidences coming out..mali mali lng grammars and the way they deliver it, but it’s not so hard to comprehend, unless you are an idiot also..
Wikipika says
CLearly, these statements were meant to distract the media and the general public. This is one sick, F’d up independent movie with clearly a second-grade casting director. I cannot believe what I just realized after reading all your posts. The mastermind is clearly a sibling and he’s clearly jealous of the favorite son who may have the chance to steal everything away from him. SAD SAD SAD
La Mesa Damn says
I have analyze the case base on other side of the untold news..
First, ” NO MURDER WEAPON FOUND”… To the family of Ms. Genelyn Magsaysay Kindly check the Ramgen’s personal belongings especially handgun or weaponry niya, kung nasa custody pa ito ng kanilang pamilya, I know that Ramgen is a sharpshooter and good in guns…
I have a eerie feeling that the MURDER WEAPON used is PAG-AARI NI RAMGEN and that’s why walang murder weapon na mapakita, remember every pistol have their own ballistic characteristic pagdating sa forensic… May nabasa ako sa fb (na binura na ng admin), ang sabi ng isang malapit sa pamilya nila Ramgen, na bago mapaslang si janelle, ito ay matagal na umuwi sa kanilang probinsya (3 months ata kung hindi ako nagkakamali) at after ng lumuwas siya papunta sa manila, doon lang nangyari ang krimen.
Kung talagang may tangka kay Ramgen… Bakit kailangan hintayin si Janelle at “UNANG” barilin ay si janelle?? Sa palagay ko, yun “killer”, ang talagang target ay si Janelle, at ang murder weapon na ginamit ay baril ni Ramgen upang ipalabas na siya ang bumaril (para siraan siya at sirain ang kanyang pamilya (maari di ba?) PERO, dahil nanlaban si RAMGEN at nandoon si RAMONA, nataranta ang suspek kaya, napuruhan si Ramgen… To make the story short, makikita natin ang “KABILISAN NG PANGYAYARI”, nauna pang mahuli ang mga alleged suspek (fall guy at wala pang 4 days, may suspek na at itinuro pa ang magkapatid na RJ at RAmona,)
Sa dami-daming pang-yayari…DITO NA LUMABAS ANG P.A NA SI RONALD, KUNG SAAN SIYA ANG DAPAT IMBESTIGAHAN AT IPASURI SA PARAFFIN TEST… PERO ANO ANG GINAWA SA KANYA?? PINATAGAL NG ILANG ORAS, LAMPAS SA 24 ORAS PARA IPA-CHECK ang P.A. (MAKIKITA RIN NATIN ANG KABOBOHAN NG KAPULISAN, DI PINAPARAFFIN TEST PARA MA RULE OUT… PERO HINDI NILA GINAWA E, MAY BASBAS ATA…)
AT YUN KAY JANELLE NAMAN, HOSPITAL BILLS AT YUN “MGA” LAWYERS NIYA… ALAM NIYO BA KANINO GALING AT SINO ANG NAG-PROVIDE???? SUS MAGULAT KAYO!! YUN NAG-PROVIDE… KAWAWA NAMAN SI RJ, ISANG LAWYER LANG AT GALING PA SA KANILA. . SAMANTALA KAY JANELLE… DALAWA O TATLONG LIER PA ESTE LAWYER PA…. HATAW DI BA?
SIBLING RIVALRY NGA, PERO HINDI FULL BLOOD SA FULL BLOOD, KUNDI HALF BLOOD AGAINST SA FULL BLOOD NI RAMGEN… TSK TSK… HABANG TUMATAGAL… LALONG UMAALINGASAW ANG BAHO NG “REAL MASTERMIND”.
ITO PA… SINO ANG MAY HAWAK SA PAG-REVIEW SA KASO NI RJ?? SI Apolinar Quetulio Jr ….Siya ang Trial Prosecutor na humahawak sa kaso para reviewhin ang “motion to quash” ni RJ. ( Diyos ko, wag po sana siya tumanggap muli ng SUHOL!!)
Ito ang credential niya…
http://findarticles.com/p/news-articles/manila-bulletin/mi_7968/is_2002_August_15/albay-judge-charged-rice/ai_n33200974/
http://newsinfo.inquirer.net/43419/lawmakers-blame-doj-bi-for-3-pagcor-con-men%E2%80%99s-escape
http://www.philstar.com/Article.aspx?articleId=172290
http://www.accessmylibrary.com/article-1G1-88128616/prosecutor-caught-grease-money.html
http://www.commuterexpress.ph/viewopinionstory.php?id=560§ion=tbl_opinion&image_date=
Kayo na makapagsasabi…. na SET UP LANG LAHAT ITO!!! ILABAS ANG TUNAY NA MASTERMIND.
La Mesa Damn says
correction at first paragraph… “…ay nabasa ako sa fb (na binura na ng admin), ang sabi ng isang malapit sa pamilya nila Ramgen, na bago mapaslang si janelle,.. it should be RAMGEN NOT JANELLE…..” SORRY FOR THE ERROR… NANGINGINIG KASI AKO HABANG NAGTA-TYPE..hahaha
La Mesa Damn says
Bukod kay RAMGEN, Sino pa ang MAY ACCESS SA MGA PERSONAL BELONGINGS
NIYA LIKE MGA BARIL AT KUNG ANU-ANO PA… E SYEMPRE… YUN KANYANG
“PERSONAL ASSASIN” ESTE “PERSONAL ASSISTANT… KAYA TAMA SI RAMONA AT MGA KAPATID NIYA… YUN P.A. ANG IMBESTIGAHAN…
weakness says
Hmmmm La Mesa Damn, you sound like Genelyn Magsaysay and her two daughters????
Or Atty ka ba ng mga grupo ni Gnelyn at Ramona??Just asking…
amor says
damn shittttttttttttttttt!!!!!!!!!!!!!! ka pala eh, kung d ako nagkakamali isa ka sa suspect sa pagpatay kay ramgen… ginugulo mo ang tunay na pangyayari… 100% alam lahat ng tunat na pangyayari…
Jijay says
Basta madaming insiders na nagsasabi, malaki daw problema ni bobong Bong.