In this week’s column, my hubby Alan turns his attention to the mess at the Senate.
How to solve the Senate crisis
Hot Manila – by Alan Robles
What a mess our Senate is in. Bickering. Plagiarism. Shady gift-giving. Shocking personal attacks and innuendoes of sweetheart deals, or deals with sweethearts.
It’s a breakdown that is distracting our beloved senators from doing their regular jobs, namely figuring out how to help themselves to more of the people’s money while plotting how to have themselves reelected.
To read the rest, please click on this link.
pinay710 says
meron po sana akong itatanong sa mga CPMers na maalam kung merong kakandidato sa darating na halalan na ang katungkulan ngayon ay tungkol sa economya ng bansa. mangyari po may balita na ang dolyar daw ay maaring bumaba at magiging katumbas na lang sa pesos natin ay P37.00/dolyar. kung gagawan ng paraan ng pamahalaan na nangangasiwa sa puedeng pagbaba ng dolyar maari po bang paki lista ang mga kandidatong ito at HINDI IBOBOTO NG MGA OFW. aba kung plano nilang babaan agn halaga ng dolyar sa peso natin para gumanda daw ang economya, kawawa naman ang mga naghihirap maghanapbuhay sa ibang bansa. baba ang halaga ng ipinadadala sa mga kamaganak eh HINDI NAMAN BUMABABA ANG MGA BILIHIN. puro pataas ang mga bilihin. MERON NA BANG BUMABA? mula sa pamasahe tumaas. lahat ng bilihin tumaas WALANG BUMABABA. kahit sabihin ng pamahalaan na ibaba hindi naman sumusunod ang mga nagtitinda. kawawa naman ang mga OFW. kung babaaan ang halaga ng dolyar sa piso ng Pilipinas huwag naman masyadong mababa na P37.00/sobra ang baba nyan. ganyan ba tumanaw ng UTANG NA LOOB ang pamahalaan ng Pilipinas sa sinasabi nyong MGA BAYANI SA IBANG BANSA?
zamera says
Mwahahaha! Thanks Alan. Had a good laugh reading your piece, and the comments here too are downright funny. Happy weekend everyone! :)
andrew lim says
While we wait for Raissa’s next piece on the Senate, got this from the Twitterverse:
Mitos Batikos is running under UNA for senator.
Mitos Batikos : I hope voters will be cerebral, not emotional, when voting.
One netizen replied: If Mitos represents the cerebral vote, gugustuhin ko nang maging tanga. :) ha ha ha ha
jorge bernas says
MITOS BATIKOS is running under UNA, BAKIT? Noong panahon ni GMA ay wala itong ginawa? dalawa lang naisip kong dahilan, 1. Nakinabang, 2. nagpaka TANGA… ha ha ha ha..
Nagbulag bulagan at Nagbingi bingihan para sa Pansariling Pakinabang at Kasakiman….Yan si Mitos Batikos….Hindi kita iboboto mitos….
Baltazar says
Saan po ba tayo makakakuha ng list ng mga official candidates for the national post this coming election?
..in times like this…who you gonna call? … Call @baycas! :D… louder .. Call @baycas! ;-)
Vibora says
@ Baltazar,
Follow this link;
http://www.comelec.gov.ph/?r=Elections%2F2013natloc%2FListOfCandidates%2FCertifiedListOfCandidates
Vibora says
SENATOR
ALCANTARA, SAMSON (SJS)
(SOCIAL JUSTICE SOCIETY)
ANGARA, EDGARDO (LDP)
(LABAN NG DEMOKRATIKONG PILIPINO)
AQUINO, BENIGNO BAM (LP)
(LIBERAL PARTY)
BELGICA, GRECO (DPP)
(DEMOCRATIC PARTY OF THE PHILIPPINES)
BINAY, NANCY (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
CASIÑO, TEDDY (MKB)
(MAKABAYANG KOALISYON NG MAMAMAYAN)
CAYETANO, ALAN PETER (NP)
(NACIONALISTA PARTY)
COJUANGCO, TINGTING (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
DAVID, LITO (KPTRAN)
(ALLIANCE FOR THE COMMON GOOD)
DELOS REYES,JC (KPTRAN)
(ALLIANCE FOR THE COMMON GOOD)
EJERCITO ESTRADA, JV (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
ENRILE, JUAN PONCE JR.(NPC)
(NATIONALIST PEOPLES’ COALITION)
ESCUDERO, CHIZ
(INDEPENDENT)
FALCONE, BAL (DPP)
(DEMOCRATIC PARTY OF THE PHILIPPINES)
GORDON, DICK (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
HAGEDORN, ED
(INDEPENDENT)
HONASAN, GRINGO (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
HONTIVEROS, RISA (AKBAYAN)
(AKBAYAN (CITIZENS’ ACTION PARTY))
LEGARDA, LOREN (NPC)
(NATIONALIST PEOPLES’ COALITION)
LLASOS, MARWIL (KPTRAN)
(ALLIANCE FOR THE COMMON GOOD)
MACEDA, MANONG ERNIE (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
MADRIGAL, JAMBY (LP)
(LIBERAL PARTY)
MAGSAYSAY, MITOS (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
MAGSAYSAY, RAMON JR. (LP)
(LIBERAL PARTY)
MONTAÑO, MON
(INDEPENDENT)
PENSON, RICARDO
(INDEPENDENT)
PIMENTEL, KOKO (PDP)
(PARTIDO DEMOKRATIKO PILIPINO LAKAS NG BAYAN)
POE, GRACE
(INDEPENDENT)
SEÑERES, CHRISTIAN (DPP)
(DEMOCRATIC PARTY OF THE PHILIPPINES)
TRILLANES, ANTONIO IV (NP)
(NACIONALISTA PARTY)
VILLANUEVA, BRO.EDDIE (BP)
(BANGON PILIPINAS)
VILLAR,CYNTHIA HANEPBUHAY (NP)
(NACIONALISTA PARTY)
ZUBIRI, MIGZ (UNA)
(UNITED NATIONALIST ALLIANCE)
Baltazar says
@Vibora,
THANKS A LOT.
jorge bernas says
Thanks, 10 L.P. kandidates iboboto ko para sa tuwid na daan…..at dalawang independent candidates…at wala sa UNA….
viewko says
nakakatakot yang ginagawa ninyo. please lang!!!!! don’t give them ideas……..
Parekoy says
Tanong-tanong #1
Mga Hoy! Hoy! Ni Parekoy!
———————————–
Hoy! May Tanong?
Ramos: Yung si Laarni?
Erap: Eh yung si Baby?
Mike Arroyo: Yung si Joy Melendrez?
Erap: Eh yung si Vicky Toh?
Erap: Yung PEA Amari?
Ramos: Eh yung BW Resources?
Gloria: Yung Jueteng?
Erap: Eh yung NBN/ZTE?
Villar: Yung smuggling sa CEZA*
Enrile: Eh yung sa C5?
Garci: Hello Ma’am ano po yon?
Gloria: Eh yung 1M?
Trillanes: Yung Rebellion with Murder**?
Enrile: Eh yung Oakwood?
Sotto: Yung si Alfie?
Jackie: Eh yung si Pepsi?
Ping: Yung si Dacer-Corbito?
Erap: Eh yung Dacer-Corbito?
Enrile: Yung si Ninoy?
Imelda: Yung si Ninoy?
Ping: Yung sa Atimonan?
Marantan: Eh yung Kuratong-Baleleng?
Senado: Mga baboy! Saan napunta ang P70M na PDAF nyo?
Kongreso: Mga patay gutom na aso! Saan ba napunta ang P200M na PDAF nyo?
Drilon: Correction! Hindi ako aso. Baboy ako, baboy ako, sa tabatsoy kong ito bulag ba kayo?
KorinaSino ba itong maliit na maligno na ambisyosong maging Presidente?
Binay: Eh sino ba naman itong walang K na gustong-gustong maging First Lady?
Enrile: Yung pondo ng Supreme Court?
Corona: Eh yung pondo ng Senado?
Louise Araneta-Marcos: Ikaw ba yung 25th Senator?
Gigi Reyes Ikaw ba yung Dictator Wife ng Senator?
Miriam: Yung Christmas Gifts?
Ping: Eh Yung Upa sa sariling Building?
Alan Cayetano: Yung Chief of Staff?
Enrile: Eh yung Kahoy?
Refugees na napinsala ng baha: Eh yung Illegal logging?
CBCP: Saan napupunta ang pera ng bayan?
Kurap na Pulitiko: Saan ba napupunta ang pera ng simbahan?
Pot and Kettle: Magsitigil kaya kayo, ibalik nyo na lang kaya kundi pagbubuhusan ko kayo ng mainit na tubig?
CBCP: Yung Political Dynasties?
Katoliko: Hoy! Luma na yan, hahabol pa kayo, kunyari concerned kayo. Matagal na yan, nagbulag-bulagan pa kayo. Kinalong nyo pa si Gloria, pinakulong nyo pa si Celdran dahil natalo lang kayo sa RH Bill, kundi pa banas na sa inyo ang tao di pa kayo iimik. Tumahimk na lang kaya kayo…Maalala ko nga pala, Eh yung Abuloy?
Lapid: (Feeling nya tatawagin sya ng Titser, pinapagpawisan at bumulong sa katabi) Masakit na ulo ko kaiisip ng itatanong. Ano kaya ang itatanong ko?
Sotto: Gayahin mo na lang kaya ako, marunong ka bang mangopya?
*CEZA-Cagayan Economic Zone Authority
**Bloody Dec. 1-9 coup attempt, in which at least 113 people were killed and more than 600 injured.
Alan says
pwedeng column to, parekoy
Parekoy says
Thsnks. Inspired lang sayo.
pinay710 says
@parekoy, talaga bilib na bilib ako sa iyo. lumuluwag ang dibdib ko pagnakakabasa ako ng mga komento mo. MAKABAGONG RIZAL NA, aba eh talo pa si carlo caparas sa paggawa ng script. galiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing mo talaga parekoy hoy!hoy1
letlet says
@ allan, @ parekoy
Both of you have a fantastic and very creative mind, yours is a gifted mind. More please.
@ eric 3.1
If allan’s blog/post is subjected to libel, what happens to our human rights of free speech and expression, which protected by our constitution.
I read in one of the newspapers (online) that the Senate employees held a rally in support of Enrile, but what about the common tao’s rally displaying our indignation/ outrage on Enrile’s christmas gift to the senators, on the loopholes of the General Appropriation Law that our lawmakers are using as a milking cow to enrich themselves? I believe ( and hope) the common tao has to organize a campaign/ rally on these issues to put additonal pressure , aside from the media ,to the government to do something/ act to close these loopholes. No rally means these issues will be brushed under the carpet at tuloy ang maliligayang araw ng mga pinagpala sa kongreso.
jorge bernas says
@ Letlet,
Respetuhin nalang natin ang ginawang rally nang mga empleyado nang senado dahil karapatan nila yan at dahil malaki kasi pakinabang nila kay tandang enrile at GIGI kong saan tumanggap sila nang BUNOS… sa maling paraan? immagine napakaraming dapat pagtuunan mga problema pero ang pamimigay nang BUNOS ang sinamantala dahil para sa pansariling pakinabang at kasakiman…Ang Philippine National Red Cross ay kulang sa budget para makapamigay nang DUGO sa mga nangangailangan natin mamamayan pero ni walang ginawang ang mga butihin senador para mabigyan nang solution ang matagal nang problemang ito tungkol sa BUDGET tapos ipamimigay lang sa mga mayayamang senador nha hindi naman nangangailangan nang PERA dahil gumagastos nga mga senador nang million million para manalo sa election…
Kaya sana mamili na tayo nang tamang kandidato at huwag ibenta ang sariling sagradong BOTO? sana MATOTO na tayo sa katutuhanan na Mali ang magbenta nang sagradong BOTO…
NO TO VOTE BUYING…..
curveball says
Hindi ko sisisihin ang mga empleyado ng senado kung nagrally man “suporta” Ikaw ba naman mabigyan ng bonus tuwing pasko.
At kung ang supervisor mo nagsabi na kailangan magrally para “suporta” ay di ka sasama kahit na labag sa loob mo?
Mamaya malaman sa itaas ilabas ang mahiwagang papel na meron pala utang ang magulang mo di mo alam.
Naloko na
vander anievas says
@parekoy,
napa-WOW mo na naman ako!! malaki ang influence ni Alan sa iyo.
in fact, you are a savvy of your own style.
@jorgeb.
ganoon talaga sa mga opisina. di ba noong impeachment ni TJ, nag-rally rin yata ang mga taga-SC?
kanya-kanyang suporta lang.
kanya-kanyang pakinabang.
kanya-kanyang sakay.
hindi naman lahat sa kanila ay bukal sa kalooban ang pagsama…
jorge bernas says
@ Vander,
Tama ka Vander, Hindi naman natin sila masisisi dahil Tao lang din naman.. Tingnan mo naman kahit mga taga C.B.C.P. nga noong panahon ni GMA ay tikom ang BIBIG sa mga Anomalyang nangyayari noon kahit lantarang katiwalian pero nagbingibingihan at nagbulag bulagan dahil sa pansariling PAKINABANG at KASAKIMAN….
Parekoy says
@pinay710
Salamat sa pagbigay pugay!
Atin-atin na lang to, ibulong ko na lang ano.
Hwag mong masyado akong ikumpara kay Rizal at baka may mga Rizalista dito, magalit sayo at pati ako madamay. Hindi ako maihahambing kay Rizal, dahil ako ay isang ordinaryong pag-iisip lamang. Henyo sya, ako ay pilyo. Babaero si Rizal, pero dyan ko sya natalo.
Palalakabay din ako. Ginawa ko yan para mapag-aralan ang Kultura at ibang misteryo ng ibang lahi. Limang doble ang bilang ng babae na nagturo sa akin ng kanilang kultura. Ang paraan nila ay iba, gusto nila akong turuan ng kanilang kultura sa kanilang mga kama. Marami akong natutunan, lengwahe, kaugalian, kanta, hilig at iba pa. Basta ang sabi nila lahat yan ay ituturo nila basta kasama nila ako sa kama. Anong magagawa ko, isa lang akong mapag-aral tulad ni Rizal para alamin ang Kultura ng ibang lahi. May hapon, may tsina, may amerikana, may russo, may german, frances, italiana, espanya, taga-libya at arabya, may taga south Africa at iba pa.
Marami pa akong kwento sayo, pero sa ibang araw na dahil ako ay may lakad.
Hwag mo rin palang kalilimutan na sabihin sa iba na hindi bawal pumalakpak pag nagustuhan nila ang timpalak. Walang multa yun at may karagdagan pang swerteng darating.
Bago ako magtapos, ibahagi ko ang misteryo na hinahanap ni Rizal nong magpunta sya sa Tsina. Ang misteryo ng katangi-tangi sa mundo na iilan lang na babae ang nagtataglay. Namatay si Rizal hindi nya natagpuan. Pero ako ay pinagpala.
Heto ang misteryo ng katangi-tanging tsina, yung kanyang bulaklak ay hindi (I) kundi (-).
Parekoy
PS
Dahil sa naihambing mo ako kay Rizal, ako ay nagkaron ng ideya na ako ay magtatag ng sariling pananampalataya o kulto. Ito ang makabagong Rizal at makabagong diyos para sa mga makabagong tao, lalo na dun sa mga mahilig mag-blog at mag-rap. Ako ang tatanghaling bagong taga-pagligtas sa blogging!
Babaguhin ko na ang aking pangalan, para akma sa aking titulo.
Ang inyong taga-pagligtas
YO!WEH
(huwag kalimutan ang Abuloy…pakibigay na lang kay Raissa at sya ang tagalikom, Salamat…)
pinay710 says
@parekoy, muntik ko nang malulun ang pustiso ko, kapatid. ihihihihihi.(pabulong) hindi ko maintindihan yung sa tsina. alam ko yung bulalklak pero yung naka () ano yun? sorry bata pa isip ko kaya hindi naintindihan masyado hihihihibastos ba yun?
netty says
Ay Pinay, tanong mo na lang kay Baltazar. Never mong itanong ulit kay Parekoy, kung sa baraha, sya yun sotangbastos;) para kang naghagis ng pagong sa tubig… maiisahan ka na naman. sige pa, more jokes pls, more more.
Parekoy says
@pinay
Yung (- ) ay ibig sabihin noon, fill inthe blanks ano “_____” na kaluluwa? Tulad ning mga Kurap at mamamatay tao sila ay ay “_____” na kaluluwa!
Si netty o, maunung mag “monte”, kala ko pusoy dos lang, hihihihi…
netty says
Noh, oy, pares-pares lang alam ko. Anyway, here’s my joke.
May nagtanong daw sa hubby ko…
Pre kung gagawa ka ng pelikula, anong gusto mong title ng movie mo?
Sagot niya, gusto kong title ay “Zorro” at ang leading lady ko ay si Misis ko, pangalan niya dito ay “Da cos”
Bakit naman Dacos?
Sagot: Kasi siya ang Da Cos of my Zorro {w} hihihi
Pwede siguro itong movie ni Tatang Enrile at the COS GIGI, ano sa palagay mo Parekoy? Sabi ni Tatang Enrile, Gigi is the DACOS of my Zorro {w}. hhihiih
Parekoy says
Mukhang may misteryo yung {w} mo…hmm…sirit na ano yun, sige na ano yun, anu yun, anu yun?
netty says
@ P Q: Can I plead my FIFTH?
Parekoy says
Hoy netty, pagod na ako, nakaapat na tayo, masakit na, hihirit ka pa ng ikalima? Maawa ka. Bukas, subukan ko kung maibigay ko ang pleading mo. Maligo…
vander anievas says
@parekoy,
tungkol dyan sa (l) at (-).
sabi ng katabi ko gusto nya yung huli…:)
lalo raw pumipikit…ay anubayan…
jorge bernas says
@ Parekoy,
Ha ha ha ha ayos mga paghahambing na ginawa mo ah, Bravo klap klap kalap Bravo.
yong sa china bilib na bilib ako at natagpuan mo kaibahan ha ha ha ha …Thanksss…
Baltazar says
HAR! HAR! HAR!
‘langya naman @parekoy oo ….I am really sitting on the “throne” now giving comfort to my physical body who has been called by nature …. hindi matuloy tuloy sa pag labas katatawa…
:D
Parekoy says
Akala ko pa naman makakatulong ma-ebs-san ang tiyan mo…
Salamat, huwag kalimutan ang tisyu, oy tabo pala para kulturang pinoy, malinis at walang amoy!
baycas says
Office of the Senate President and Office of the Speaker of the House of Representatives
COMMITTEE on RECEIPTS / EXPENDITURES (C.O.R.E.)
Main task is to gather genuine receipts from all legislators for COA scruitny.
Secondary task is to collect retrievable genuine receipts for expenditures liquidated in the past by way of certification only.
Vision: A corrupt-free Congress by 2016 makes for a lasting “Daang Matuwid”
Mission: Root out corruption in Congress up to its core
Slogan: Corrupt-free to the core
—–
Note: The foregoing was contained in an official Congressional document dated January 31, 2013. The crumpled and dirty unsigned document was picked up in one of the toilets at the Senate building.
baycas says
The document failed to reach PICC.
http://globalnation.inquirer.net/63213/ph-hosts-5th-intl-conference-vs-corruption
Rolly says
To my observation, on TV News Bandila, after his speech on this GOPAC occasion, Noynoy tried to get pass Enrile ignoring him, but Enrile quickly rose from his sit and offered his right hand to congratulate the President, which PNoy readily, humbly and respectfully obliged…Binay then took his turn shaking hands with Noynoy,
PNoy’s body language says it all…he was in indescribable pain in the company of Binay.
Again, the desciption above is how I saw it.
macspeed says
yahooooo, dapat naman para may kinabukasan na apo at magiging apo pa he he he
Yvonne says
Which is worse, to hurt a religious feeling, to hurt a political feeling, or to hurt a personal feeling?
Speaking generally, what does one do when he is near the end of his political power, not to mention his sexual prowess, and his “confidante” decides to jettison him for “personal” reasons? Does it hurt more than, say, losing a political vote? Does he turn to his religion to find solace in his personal life?
Should he do as someone said, “pag binato mo ako, babatuhin din kita”
Or should he do as we are preached religiously, “pag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay”?
Parekoy says
macspeed says
he he he he tindi alang takot mga CPM’ers, keep it up, very positive results dahil yata sa mga comments ng mga tao dito, parang i-audit na ang mga senadors at congressman at iba pang binigyan ng budget he he he he yahooooooo…
Baltazar says
Well said @parekoy. ALL OFWs – do all your best to vote this coming May. Matuto na po tayo sa mga naranasan natin. Tatanda ba tayong nangingibang bansa dahil walang oprtunidad sa sarili nating bayan? Na maging ang mga anak natin eh inihahanda na natin ang mga isip na pagdating ng tamang panahon, mangingibang bayan din sila katulad natin DAHIL WALANG OPORTUNIDAD SA SARILI NATING BANSA. Hindi ang mga pulitiko at ang mga pangako nila ang makakapagpabago sa ating bansa. TAYO! ANG MGA BOTO NATIN. Hindi ako mangangampanya dito para sa partikular na kandidato pero alam natin ang himig ng CPM. – ISUMPA ANG KURAPSIYON. TALIKURAN ANG ISA SA MGA UGAT NITO – ANG POLITICAL DYNASTY . Noong late 80’s ang isinisigaw ng mga Pilipino TAMA NA, PALITAN NA! …Mga kababayan, hanggang ngayon narito pa silang mga nagpapahirap sa sambayanan. Kita po natin sa mga huling pangyayari sa Senado. Ang masamang damo , hindi mo mapapatay sa pagputol. Tutubo uli siya kapag hindi mo siya pinatay sa ugat. Gamitin natin ang ating mga boto sa matalinong pamamaraan at hwag po nating kalimutang laging isama sa ating mga panalangin ang ating bansa.
jorge bernas says
@ Baltazar,
Tama ka Baltazar, Kaya dapat Iboto na ang kandidatong Maka DIYOS, Maka TAO, tapat na maglingkod sa Bayan, at HUWAG nang lbenta ang sagradong BOTO…
NO TO VOTE BUYING….
NO TO VOTE BUYING….
NO TO VOTE BUYING…at Bantayan ang BOTO natin…
pinay710 says
BAKIT HIHINTAYIN PA MAMATAY EH KAHIT MAMATAY YAN ANG DUGO NYAN NANANALAYTAY NA SA ANAK NYA.NGAYON NA NATIN SINGILIN. HUWAG NATING IBOTO BASTA ANG APELYEDO AY ENRILE, BINAY, MARCOS AT ESTRADA. huag na patagalin pa ngayong hanggang kailan na halalan HUAG IBOTO ANG MGA YAN!!
Alizarin Viridia says
On this Alan’s latest praiseworthy article, I click read more (ABS-CBN Online) and got nothing. So my info is farthest from being complete. Nevertheless, I was looking for solutions, like real or comic, satire or sarcasm, doable or not but even just something palliative like if A then B; a little pessimistic than the potent A causes B perhaps, more appropriate for our Senate “problem” which is seemingly cultural.
The cultural revolution in China in 1968 might have contributed to crafting the now progressive China. It involved all problem people in all levels and sectors; the rich and the powerful from the very to the not so rich and not so poor to the very poor, the professionals and the illiterates; government officials and even the bureaucrat comrads.
We can do a tailor-fit solution using our own “mini” ways. Like COA as pilot. If COA is so graft ridden involving almost all approving, SIGNING big shots and little big shots assigned, spread out to the government agencies, all of them should be sent to 6 months REHAB and CHEMO, and hard labor training in Iwahig or Culion in Palawan. UP Los Banos non-administrative professors should design and administer the program with farmers and fishermen as instructors and facilitators. COA non-signing deputies or assistant auditors should take over those sent to cultural REHAB and CHEMO. Congress HOR and Senate should be IN RECESS for 6 months so members can attend the CULTURAL REHAB and CHEMO in Eastern Samar or Catanduanes. That with political will is what I call a solution doable, that’s been tested and proven elsewhere. That’s like cancer surgery prognosis to a sick society. Polpot’s killing fields in Cambodia was never a solution but a crime.
History is always in tears while the world is in continual mourning for drastic solutions in the form of A causes B & C; where C represents the tragic death of people like the recent solution in the bloody Algerian hostage situation said to be instigated by Al Qaida. And of course, that historic two-day siege of the Supreme Court in the Palace of Justice on November 1985 in Bogota, Columbia where 12 magistrates were killed. England is UK now partly because of the legal verdict “transportation” solution to down under. Australia is a great country now because of that solution. I am not recommending but relocating with livelihood government support of our squatters to the Spratlys and uninhabited islands can be a solution to our neo-culture problem.
macspeed says
he he he he i love this tirador, so sharp he he he he go on, i am one step behind he he he
Parekoy says
Corruptus Interruptus Moratorius
Purpose: To halt and control the extreme damage to the Senate as a whole, brought by the “Christmas Gift” Scandal!
Definitions of terms:
Corruptus-pag hindi mo to alam kung sino ang mga ito, eh baka comatose ka.
Interruptus– eto yung mga pangyayari na nagpahinto at nagpalamig muna upang hindi mapagusapan ang eskandalo sa Senado. Halimbawa, Auditing ng COA sa accounts ng Senado, Celdran’s Conviction, at CBCP na biglang nagising sa Political Dynasty issue.
Moratorious– eto yung legal na pag-dribble ng issues, kasama na ang pagpakiusap sa (envelop persuasion ba to?) sa mga media columnists at TV networks na huwag munang pag-usapan ito.
So biglang nalilihis ang mga issues ano po? Kailan kaya mapapag-usapan itong Senate Scandal sa media?
Coitus them!
macspeed says
he he he he he better than MRP he he he he
leona says
…Lower PIGS’ Bank & Upper PIGS’ Bank…not legislative houses anymore!
Alizarin Viridia says
in a lighter vein, WE should be careful not to hurt religious feelings este
feelings of the corrupt, pala.
jorge bernas says
@ Alizarin,
But you know, l was hurt & disgusted during the time that those Bishops returned the S.U.Vs. that came from P.C.S.O. dahil para sanang Pampagamot at Pambili nang Gamot nang mga mahihirap natin mamamayan ang PERAng pinambili nang nasabing S.U.Vs. pero bakit sila humingi doon…Alam nilang Bawal ito at Immoral pero hindi nila inalintala dahil sa Pansariling Kabutihan at Kasakiman….saka marami Pera ang mga Bishops bakit pa hihingi? Maliwanag na KASAKIMAN para sa Pansariling Kaginhawaan…Kaya pala Bulag at Bingi silang mga butihing Bishops noon panahon ni GMA dahil NAKIKINABANG?
curveball says
Syempre magbibigay ang hihingian ng mga bishop. Kung hindi mo pagbigyan ang hiling, sa linggo kasama ka na sa sermon nila.
Dapat nga sila na mga “banal” magsakripisyo at magtiis sa pagsisilbi sa Diyos.
macspeed says
@Leona
HA HA HA HA HA You got it right, muntik na akong malaglag sa upuan ko he he he he
Yvonne says
On a serious note, what type of authority or responsibility can Senate President Enrile lawfully delegate, or not able to delegate, to his Chief-of-Staff?
As Senate President, Senator Enrile acted as Presiding Officer during the impeachment trial of CJ Renato Corona pursuant to the mandate of our Constitution. I guess no one can imagine him delegating that authority and responsibility to his COS. Gigi Reyes presiding over the Corona impeachment trial? No way!
Article VI, Section 25, Sub-section 5 of the Constitution states that: “No law shall be passed authorizing any transfer of appropriations; however, the President, the President of the Senate, the Speaker of the House of Representatives, the Chief Justice of the Supreme Court, and the heads of Constitutional Commissions may, by law, be authorized to augment any item in the general appropriations law for their respective offices from savings in other items of their respective appropriations.”
The Constitution is very clear in its language with respect to who have the specific authority to make appropriations, in the same clear language as to has the authority to preside over an impeachment trial.
The big question is: Can the Senate President lawfully delegate such specific authority to his subordinate, specifically to his Chief-of-Staff?
Yvonne says
Or, paraphrasing it another way, could Gigi Reyes have presided over the impeachment trial of CJ Corona?
Victin Luz says
Teka @Gigi,… Maging malinaw Lang tayo ha..we are on the same side , but what authority did ENRILE delegated to GIGI?
Authority to transfer appropriations , only a valid law can transfer it and even ENRILE is not authorize much more to GIGI.
Be specific on what authority did he gave to GIGI. Signing check , distributing the same are the one you were questioning?
Yvonne says
@Victin Luz, I’m not making any statement of fact that Enrile delegated a specific authority or responsibility to his Chief-of-Staff.
I’m only asking for clarity what specific authority or responsibility, if any, can Enrile, as Senate President, lawfully delegate to his COS. Put it another way, is there any authority or responsibility of the Senate President that is his exclusive province and he cannot lawfully delegate to another person?
There are many reasons why I’m asking for this clarity:
In the U.S. for instance, treasury checks, income tax refunds, social security payments, supplemental social security payments, etc., are issued only by the specific authorized govenment officials, and cannot be delegated to their subordinates. Of course, these officials cannot be expected to sign thousands, if not millions, of checks so those checks have some sort of “pre-printed” or “digital” signatures.
Another reason for asking is the apparent contradiction in the actions of Senate President Enrile and his Chief-of-Staff Gigi Reyes that Senator Alan Cayetano pointed out, to wit:
.
“Tingnan po ninyo ang nasa screen. Ang alam ko po galing sa Senate President ‘yan. Tingnan ninyo ang nakalagay diyan, “To each senators.” Bibigyan daw ng pondo ang lahat ng senador at normal po ito, at ginagawa ito the last few years. Pero tingnan po ninyo ang next slide. Sulat-kamay po ng COS. Ang nakalagay diyan COS-OSP (chief-of-staff-Office of the Senate President), so I assume kay Atty. Gigi po ‘yan. Sa isinulat ni Atty. Gigi, wala ang pangalan naming apat na na-publicize na hindi binigyan–si Sonny Trillanes, Miriam Defensor, Pia, at ako. Ang nakalagay po diyan, December 5 din.
Dalawang dokumento po iyan na December 5. Isang formal at typewritten at signed ng Senate President, at isang hand-written na signed by the COS. Isang addressed sa Secretariat, isang addressed kay Director Chua ng finance department. Ang nasunod po ay ‘yung kay Atty. Gigi, hindi sa Senate President.”
.
The above quote is lifted in Raissa’s blog “Newbie senator dresses down his Senate chief in a privilege speech.”
If what Senator Alan Cayetano said is true, did Gigi Reyes have the authority to make the changes, and could Senator Enrile have lawfully delegated that authority to Gigi Reyes?
Yvonne says
Correction: The above quote is lifted FROM Raissa’s blog….
Victin Luz says
@a delegated authority can never be re delegated….Philippines Constitution authorized the SP to RUN or MANAGE the Administrative Function of the SENATE we agree @ yvone , but on a day to day activities in the Senate and DUE to the EXIGENCY and NECESSITY I do believed ENRILE can delegate the signing/approving of CHECK and VOUCHERs to GIGI, the LIMIT or LIMIts of which shall be under the discretion of the SP and the RESPONSIBILTY or any Problem that may arise thereafter shall be a BURDEN to the SP.
When are EXIGENCY and NECESSITY arises? , …I believe the COA has all the power to determine when , and if an adverse findings of COA is forwarded to the Court , the court will rule the legality or illegality of the AUTHORITY delegated to GIGI. Until such time ” tayo ay maghintay at mag ingay kung ano gagawin o sususnud na kabanata sa SENADO at ano ang gagawin ng COA @Yvonne. ” masaklap bayan , he he pera ng bayan pati diba CPMERs?
I do believe if you are given a RESPONSIBILTY , it must be coupled with AUTHORITY in order to bear FRUITs on Time and Done Lawfully.
macspeed says
be a CPMer, dont mention it came from or pick-up from Raissa’s Blog he he he you are guilty as well he he he lahat tayo magiging pipi, bulag at bingi he he he pag approved na ang cybercrime law he he he pero pag ang asong duwag, nasukol ng maraming aso sa corner, lumalaban ito ano?
akala ng mga CORRUPT mapipigilan nila ang PROTEST ng CPM’ers? I do believe in POWER FACTOR, yun tatlo kong anak, kasama na manugang ko, uutusan ko yun, then yun mga kaibigan nila uutusan nila,, then kakalat yun PROTEST on every social nets he he he
kaya sila ang matakot sa cybercrime law, dahil lahat ng katiwalian nila kakalat at kakalat he he he he
Rene-Ipil says
[email protected]
“Ang nasunod po ay ‘yung kay Atty. Gigi, hindi sa Senate President.”
If that was the case, then the senate president is under the supervision and control of his Chief of Staff. Dito nanginig sa galit si JPE.
Yvonne says
Ang malaking tanong, legal ba o illegal ang ginawa ni Atty Gigi, kung tama ang sinabi ni Senator Cayetano?
Alizarin Viridia says
Makikisali lang. Huwag ng pagtalunan yan.
Legal ba yun mga ginagawa ni AL Capone?
Inupakan siya ng tax evasion, AYUN nakulong.
Gawin din yan sa mga magnanakaw sa
pamahalaan. Hindi na kailangan diyan ang
Ombudsman o Sanggunian Bayan at isang
katutak na abogago este abogado pala.
Yan delegasyon tungkol sa trabaho lang yan.
You delegate not authority but work; Nobody
delegates PLEASURE like dating and shagging
the secretary or whatever.
jorge bernas says
@ Ybonne,
Ang nakakatuwa, nakakainis at nakapagtataka ay ang MEMO ni enrile para sa pantay pantay BUNOS ay binaliwala at pinalitan nang sulat kamay ni GIGI at iyong ang sinunud kaya nagkaka GULO???? in other words hindi kasi pantay ang bigayan nang BUNOS kaya nagkaGULO…si GIGI dapat sisihin ni tatang enrile pero kaya naman kayang sisihin ni tatang johnny si exCOS GIGI….
Victin Luz says
Hindi pwede sir@Jorge,…..under the theory of COMMAND RESPONSIBILITY …..sasaluhin nya lahat ang ibabato kay GIGI at sa kanilang dalawa.
jorge bernas says
@ Yvonne,
Sa tanda at edad 89 ni JPE bakit pa kailangan idelegate ang katungkulan nito sa COS GIGI reyes kong hindi niya kaya dapat nagresign na lang ito para wala na sana itong problema at hayan dahil sa kapalpakan ni GIGI reyes nalantad ang ANOMALYA….
DAHIL SA KAPALPAKAN NI COS GIGI REYES SA PAGBIGAY NANG PANTAY PANTAY NA BUNOS SA SENADORES AY NALANTAG ANG ANOMALYA…??? MARAMING SALAMAT GIGI REYES…
DAPAT LANG NA PASALAMATAN NATIN SI GIGI REYES DAHIL SA KAPALPAKAN NITO NALANTAD ANG MAANOMALYANG BUNOS… AGAIN… SALAMAT GIGI REYES…MARAMING SALAMAT…
idde says
Alan’s article is a riot!
Although it still burns me up a little bit that our elected senators act the way they do. This may be satire but the reality is, they really do those kinds of things.
Some questions for our senators: When will it be enough? When will you be satisfied? What would need to happen for you to realize that you are elected for the public’s welfare and not your own?
Alan says
thanks idde
vander anievas says
@idde,
“Some questions for our senators: When will it be enough? When will you be satisfied?”
hehehe, para mo na ring itinanong iyan kay imeldific..