• Home
  • About me
  • My Privacy Policy

Inside Philippine politics & beyond

Sen. Bong Revilla’s privilege speech disclosing his meeting with PNoy

January 24, 2014

Share:
Twitter0
Facebook0
LinkedIn0
Pinterest0

Mr. President, I rise on a matter of personal privilege.

Bago po ako magsimula, gusto ko pong ipaabot sa ating mga kababayan na tayo ay nakikiisa sa national day of prayer na naglalayong ipanalangin ang mga sinapit ng bansa sa nakaraang taon, lalo na ang pinsalang idinulot ng bagyong Yolanda sa kabisayaan, lindol sa Bohol at Cebu at ang giyera sa Zamboanga City.

Hinihiling ko na rin po ang panalangin ng lahat para sa mga kababayan nating binaha sa Visayas at Mindanao dahil sa low pressure area at ang mga posible pang maapektuhan ng bagyong Agaton.

Sa dami po ng nagiging problema ng bansa, naniniwala po tayong dapat ay itrato ang pang-araw-araw nating kilos bilang bahagi ng national day of prayer at hindi lamang kada-ikatlong taon.

Gusto ko rin pong ipaabot sa kaalaman ng ating mga kababayan na matagal nang naka-schedule ang privilege speech na ito bago pa nila naisipan ang pagdedeklara ng national day of prayer.

Katunayan, noong Martes, Jan 14, lamang ako nakatanggap ng imbitasyon mula sa palasyo para dumalo sa panalangin ng bayan subalit naniniwala naman akong kahit narito ako sa
Senado o kahit nasaan pa tayo ay puwede tayon manalangin para sa ating bayan.

Mr. President, mga mahal kong kababayan, aking mga kasamahan dito sa Senado, sa kabila ng pagyurak sa aking pagkatao, sa kabila ng pagkitil sa aking mga karapatan, sa kabila ng halos pagwasak sa aming buong angkan; kinimkim ko po ang nilalaman ng aking kalooban sa loob ng mahigit limang buwan.

Pero, narito po ako ngayong humaharap sa ating mga kababayan sa ngalan ng katotohanan – at sagutin ang lahat ng mga akusasyong ibinabato sa akin na pawang walang basehan.

Kung tutuusin Mr. President, mas madali sanang tumahimik at magpasawalang-kibo. Pwede ko namang piliin na hindi magsalita. Pwede kong abangan na lamang ang magiging hatol nila sa akin. Pero ‘di po kaya ng dibdib ko.

Tinimbang ko po ang lahat, lalo na at payo sa akin ng aking mga abogado na huwag na ako makipag-sagutan. Pero heto po ako at walang halong kaba.

Utang ko po sa kulang-kulang 16 milyon na bumoto sa akin noong 2004, at halos 20 milyon na bumoto sa akin noong 2010, na marinig ang aking sagot at putulin na ang kanilang paghihintay.

Naiintindihan ko Ginoong Pangulo ang galit ng ibang tao. Ako man ay magagalit din, kung di ko pa naririnig ang buong katotohanan.

At katulad din ng ating mga mahal na kababayan, naghahanap din ako ng katarungan, kahit sino pa ang tamaan!

Ginoong Pangulo, paulit-ulit na binabanggit ang aking pangalan, na kumita at nagbulsa ng pera ng bayan sa pamamagitan ng mga bogus NGO.

Pero sa makailang ulit na pagharap ng kanilang paboritong whistleblower sa Senado at sa media, ay paulit-ulit naman nilang sinasabi na hindi nila ako kakilala at kahit minsan hindi nila ako inabutan ng pera, ‘ni singko!

Ganunpaman, pilit pa rin akong isinasangkot sa eskandalong kitang-kita na sila mismong mga whistleblowers at iba pa nilang mga kasabwat ang may kagagawan ng lahat.

Inamin ng kanilang whistleblower na eksperto siya sa panggagaya at pamemeke ng pirma.

Ibig sabihin, sila ang gumagawa ng lahat ng dokumento mula sa endorsement ng proyekto pati mismong pag-notaryo, hanggang mailabas ang pondo sa DBM na pinaglulunggaan ng mga may-doctorate sa pagbuo ng sindikatong SARO gang, at anomalyang katulad ng sampung bilyong pork barrel scam.

So for the record Mr. President, I have nothing to do with this scam, those whistleblowers, nor Janet Lim-Napoles. I have no dealings and transactions with them!

Tingnan niyo po Ginoong Pangulo, kung gaano kasinungaling ang mga ‘yan. Sabi nila yan daw po ang pirma ko. Eto naman Mr. President, tignan ninyo, iba naman ito. Pirma ko rin daw yan. Ngayon Mr. President, I show you another signature. Sinasabi nila na kinonfirm daw yang mga pirmang yan at yung iba pa. Common sense Mr. President. I did not confirm anything!

Di po ba’t malinaw pa sa sikat ng araw na iba-iba yang mga pirma na yan? Hindi ko po pirma ang mga nasa dokumento na sinasabi ng mga ito na ebidensiya laban sa akin, ngunit patuloy pa rin nila akong pinagmamalupitan.

Mr. President, paulit-ulit pong sinabi ni Benhur Luy sa hearing ng Blue Ribbon Committee na siya ang pumeke ng pirma sa lahat ng mga dokumento.

Ang mga kasamahan pa nga niya mismo ang nagsabing magaling at expert siyang pumeke ng mga pirma.

Panoorin po natin ito…

Sa makatuwid, eto palang si Benhur Luy ay si Boy Pirma.

Ginoong Pangulo, kung ang mismong DBM nga may Boy Xerox na namemeke ng mga SARO, bakit napakahirap paniwalaan na dito sa PDAF ay mayroon namang Boy Pirma na namemeke ng pirma sa mga dokumento? Bakit pag lilinisin ang tauhan nila sa DBM, not guilty without thinking? Pero, kapag kalaban nila, no way? Oh no Mr. President, that’s very aBAD!

Sa halip na kasuhan dahil sa pag-aming pineke nila ang mga pirma ng mga mambabatas, mas pinili nilang gawin itong testigo laban sa kung sinu-sino para lamang mabuo ang kanilang planong wasakin ang inyong lingkod at mga taong sa tingin nila ay magiging tinik sa lalamunan nila sa 2016.

Agad-agad nilang ginawang State Witness ang mga umamin nang kriminal. Hindi po ba’t sa normal na proseso, ay korte lang ang may kapangyarihan na magsabi kung sino ang hindi most-guilty at pwedeng gawing state witness?

Hindi po ba’t mangyayari lamang ito matapos silang mai-demanda bilang akusado ayon sa krimen na kanilang kinasasangkutan? Pero ano? Ano po ang ginawa nila? Ora-orada nilang ginawang state witness itong mga Jukebox King and Queen, na si Boy pirma at kanyang mga alipores.

Kahit ano ay kanilang ikinakanta ayon sa kagustuhan ng naghulog ng pera… kapalit ang pangakong hindi sila makakasuhan.

Balikan ko lamang ang binabanggit na ibinulsa ko raw na komisyon sa mga proyekto mula sa PDAF. Ayon kay Benhur Luy, ibinigay daw sa aking Chief of Staff at Chief Political Officer na si Atty. Richard Cambe ang pera.

At upang maging kapani-paniwala ang kanilang alegasyon, nagbigay pa sila ng petsa kung kailan at kung saan daw ibinigay ng whistleblowers ang pera. Sa biglang tingin, iisipin mong totoo ang bintang pero sa katotohanan, napakasinungaling talaga nila.

For the record Mr. President, kailanman, mula noon hanggang ngayon, hindi ko naging Chief of Staff, o Chief Political Officer si Atty. Richard Cambe. Get your facts straight!

Sabi ni Benhur Luy, tiyak siya sa listahan na ginawa niya. Yabang pa niya, sigurado siya sa mga petsang nakalista dun.

Mr. President, kung humahaba lang ang ilong ni Benhur Luy na yan tuwing magsisinungaling siya, malamang umabot na ang kanyang ilong mula dito sa Senado hanggang Malakanyang.

Mr. President, paano niya maibibigay kay Richard Cambe ang pera kung wala naman yung tao sa Pilipinas sa petsa at araw na nakalista sa kanyang ledger?

Sa mismong mga pictures na ito sa kanyang passport at sa record ng PAL ay ipinakikita at pinatutunayang wala sa Pilipinas si Atty. Cambe, na sinabi nilang inabutan ng pera sa mga petsang iyon.

Mr. President, Falsus in uno, falsus in omnibus – false in one, false in all. Sinungaling sa isa, sinungaling sa lahat!

Mga kababayan, itanong ninyo sa inyong mga sarili, bakit po dapat paniwalaan ang sinungaling na political wrecking crew na ito ng mga nagkukunwari at pekeng whistleblower?

Isinusumpa ko sa halos dalawampung milyong botante na nagtiwala at bumoto sa akin, hindi po ako nagtraydor sa inyo.

Bigyan niyo ako ng pagkakataon na linisin ang aking pangalan. Huwag niyo po akong husgahan.

Sa halos 20 taon ko sa paglilingkod bayan bago ang isyung ito, ‘ni minsan ay hindi ako naakusahan ng katiwalian at wala ‘ni isang kaso ang isinampa laban sa akin.

Mr. President, nabalitaan po namin na may pagkilos ngayon, na bahiran ang lahat ng aking naipundar. Gusto pa nila gamitin laban sa akin ang mga bunga ng aking pagsisikap para ako ay patahimikin. Lilinawin ko lang po Ginoong Pangulo, lahat ng mayroon ako ngayon ay mula sa aking sariling pawis at sa marangal na paraan.

Ginoong Pangulo, sa murang edad ng 16 ay nag-umpisa na po akong magtrabaho – nagsipag; nagsikap; para magkaroon ng mabuting pangalan at disenteng kabuhayan.

Since then, Mr. President, I have never stopped working and have been working for over 30 years.

Kung ano man po ang mayroon ako at ang aking pamilya, ang lahat po ng ito ay pinaghirapan ko sa magdamagang shooting ng daang pelikula, maghapon at magdamag na taping ng mga TV shows, mga product endorsement at mga commercials.

Mr. President, hanggang ngayon, nagtatrabaho ako sa labas ng gobyerno para sa kabuhayan ko at ng aking pamilya, at gayundin ang aking asawa. Ginagawa po namin ito para malinaw na hindi namin kinukuha sa pera ng tao ang aming ikinabubuhay.

Ginoong Pangulo, sa totoo lang, kung hindi ko na pinasok ang paglilingkod-bayan, at nag-artista na lang, baka mas hitik pa ako sa mga materyal na bagay.

Pero, utang na loob ko po sa mga Pilipino, sa mga tagahanga ko at nagmamahal sa akin – kung nasaan ako at kung sino ako ngayon.

Hindi po ako magiging Bong Revilla kundi dahil sa kanila – mula sa aking pagiging artista, hanggang ako nga po ay naging Bise Gobernador at Gobernador ng lalawigan ng Cavite, naging Chairman ng VRB, at ngayon nga’y Senador ng ating bansa.

Yan ang dahilan Mr. President, kung bakit napaka-imposible ng ibinibintang nila sa akin ngayon. Hindi ko kayang talikuran ang pagtitiwala at pagmamahal sa akin ng ating mga kababayan. Sila ang dahilan ng aking paninilbihan, at alang-alang sa kanila, ipagpapatuloy ko ang aking laban at paglilingkod.

Ang nakakalungkot lang Ginoong pangulo, dahil lamang sa pulitika, ang aking pangalan at ang aming pagkatao, at lahat ng bunga ng aking pagsisikap, basta-basta na lang ginigiba at sinisira. Para na nila akong pinatay; unti-unting tinatalupan ng buhay; hinihiwa ng blade ang buong katawan na lumalatay sa aking pamilya. Ang hirap lang, sa hangad kong tumulong, ako pa ngayon ang ikukulong.

Gusto ko pong ipaabot sa mga minamahal nating kababayan na ang lahat ng ito ay isang palabas lamang ng gobyernong nabigong maglingkod nang totohanan sa publiko at nagkukunwaring may malasakit sa bayan gamit ang propagandang tuwid na daan.

I quote former President Fidel V. Ramos, Mr. President. “Daang Tama or the right path should be based on daang tuwid or straight path, but the latter is not enough.”

“To achieve the right path, the straight path must be enhanced by clear vision, people empowerment, inclusiveness, outreach, performance, and competitiveness.”

Nakikita ba natin ito sa daang matuwid ng administrasyong ito?

Inaamin ko po na noong mga unang buwan ay masyado akong nasaktan sa kakaibang panggigipit na ginawa sa akin ng Malakanyang, lalo na ang ibuhos ang lahat ng pwersa ng gobyerno para wasakin ang aking pangalan na mahabang panahon kong iningatan.

Pero kalaunan, naisip ko na ang dinaranas ko ay bahagi ng pulitika at matinding intriga na mas masahol pa sa kinamulatan kong mundo ng pelikula.

Naisip ko rin po, na masyadong maliit ang problemang ito na idinagan sa akin ng gobyernong Aquino kung ikukumpara sa hinambalos nilang labis na pagpapabaya sa mga kababayan nating sinalanta ng bagyong Yolanda.

Mas magaan pa rin ito kung ikukumpara sa libu-libong bangkay na hinayaan ng gobyerno na nakatiwangwang at pagpistahan ng langaw kahit mahigit dalawang buwan nang nakalipas ang super typhoon.

Mas magaan pa rin Mr. President, ang akusahan ka ng krimen na hindi mo ginawa, kaysa na sabihan ka ng “bahala ka sa buhay mo”, at hayaan na lang na mangamatay sa uhaw, gutom at kakulangan sa ayuda ang ating mga kababayan sa Tacloban.

(1) Nang tamaan ng bagyong Yolanda ang kabisayaan, ang tugon nila, bahala kayo sa buhay niyo! Yan ba ang Daang Matuwid?

(2) Nang humingi ng saklolo ang isang negosyante sa Tacloban nang siya’y paputukan ng baril dahil sa looting matapos ang Yolanda, ang tugon ng Presidente, “Buhay ka naman ah!” Yan po ba ang Daang matuwid?

(3) Kapabayaan ng pamahalaan kung bakit napakalaki ngayon ng problema natin sa kuryente at enerhiya. 2011 pa unang pag-usapan ang nakaambang power crisis pero hanggang ngayon ay wala pa ring konkretong aksyon. Magkakaroon na raw tayo ng rotational brownouts sa mga susunod na buwan. In fact, Mr. President, nangyayari na ito ngayon sa Mindanao. Ito ay sa kabila ng pag-alagwa ng mga power producers na nagtaas ng singilin. At nang itataas ang presyo ng kuryente, makatuwiran daw ito para sa Malacañang (Slide of Sec. Coloma direct quote). Yan ba ang daang matuwid? Uulitin ko, nagpabaya kayo!

(4) Ilan taon nang sinasabi ang kakulangan ng seguridad sa ating national airport. Pero kailan lang ay may binaril at pinatay na alkalde sa airport, at hanggang ngayon, nasa puwesto pa rin ang mga opisyal na dapat ay accountable sa kapabayaang ito. Ito ba ang daang matuwid?

(5) Ano na ang nangyari sa mga biktima ng lindol? Ano na ba ang tunay na kalagayan ngayon sa Zamboanga at ng mga biktima ng gulo doon? Yan po ba ang Daang Matuwid? Maayos na po ba ang buhay ngayon sa Zamboanga?

(6) Plano nila itaas ang pamasahe sa MRT at LRT; patuloy na pinahihirapan ang mga motorista dahil sa kapalpakan sa LTO at DOTC; sa kabila ng malalang smuggling, patuloy na tumataas ang presyo ng bigas, gayundin ng mga pangunahing bilihin; Itataas nila ang singil sa tubig, SSS at Philhealth. Eto ba ang Daang Matuwid?

(7) Nang mabuko ang daang bilyong pisong DAP, sa kabila ng paghingi ng media at ng sambayanan, nasaan ang listahan kung saan ginastos ang mga perang yan? Bakit hanggang ngayon, hindi niyo mailabas? Yan po ba ang Daang Matuwid?

(8) Sa kabila ng pinagsisigawang pag-unlad ng ekonomiya, sabi ng National Statistical Coordination Board, mas dumami pa ang nagugutom, at ayon sa SWS, tumaas pa sa 55% ang kahirapan nitong nakaraang 2013. Yan ba ang Daang Matuwid?

(9) Nabuko kamakailan ang mga pekeng listahan sa CCT, conditional cash transfer, kung saan daan-bilyong piso ang nakasalalay. Para pa naman yan sa mga pinakamahirap sa mahirap. Yan ba ang Daang Matuwid?

(10) Ayon sa survey ng SWS sa mga negosyante para sa 2013, lumabas na tumaas sa 56% ang personal na nakaranas ng matinding korapsyon. 42% naman ang nagsabing kinailangan nilang maglagay para makakuha ng kontrata sa gobyerno. Yaan po ang daang matuwid?

(11) Nito lang, nabisto na substandard, overpriced, at di ayon sa specifications at building code ang mga itinatayong bunkhouses para sa mga biktima ng Yolanda. Mismong mga biktima, binibiktima pa. Anak ng Teteng, yan ba ang Daang Matuwid?!

Hindi naman natin kailangang maging henyo para maunawaan, na wala nang ibang inatupag ang administrasyong ito kundi mamulitika.

Kung ginamit lang ng pangulo ang kanyang popularidad para pagkaisahin ang bansa sa halip na makipag-away kaliwa’t kanan; kung hindi puro paninisi ang kanyang ginagawa; kung hindi siya nagpapagamit sa mga taong nakapaligid sa kanya para sa kanilang pansariling interes; kung ibinigay lang nila, kahit kalahati lang ng kanilang atensyon sa totoong paglilingkod at paninilbihan, sana ay nasa mas magandang kalagayan na ang ating mga kababayan ngayon.

Pangulong Aquino, ikaw ang ama ng bayan. Ang kailangan ng bayan ay ang puso ng isang magulang. Puso, Mr. President. Puso. Pagmamahal at pagkalinga ng isang ama.

Tingnan natin, kung totoong tapat ang administrasyong ito, bakit ang mismong lider pa ng kanilang partido ang nagpiyansa kay Grace Padaca nang ipaaresto siya ng Sandiganbayan dahil sa katiwalian?

Kung tutuusin Mr. President, pareho naman kami ngayong may hinaharap na akusasyon. Yung sa kanya nga, nasa Sandiganbayan na at mayroon pang warrant of arrest.

Pero ang pagkakaiba, bukod sa personal na pagpiyansa ni Mar Roxas na lider ng kanilang partido at miyembro ng Gabinete, ang ginamit na pampiyansa ay mismong pera ng Pangulong Aquino. Opo, totoong hindi pa napapatunayan ang kanyang pagkakasala, kaya sana, parehas lang sa lahat.

Ganoon ba talaga ang paraan natin ng hustisya? Kapag kapartido ang akusado, bibigyan ng pampiyansa ng Pangulo pero kapag kalaban ka, bibigwasan ka hanggang masira ang pangalan kahit hearsay at imbento lang ang ebidensiya?

At napag-uusapan din lamang ang ebidensiya, Mr. President, naging headline pa nga sa mga radyo, diyaryo at telebisyon ang sinasabi ng DOJ na trak-trak daw ang ebidensiya laban sa amin. Trak-trak daw!… Tra-trak!

Mr. President, sa totoo lang, kung naipasok ang tangke sa Manila Pen, pasintabi lang sa kaibigan nating si Senator Trillanes, matagal ko nang pinag-iisipan kung paano ko ipapasok ang trak ng ebidensya dito sa senado.

Sa tamang diskarte, nagawan naman ng paraan, Mr. President… to the pages… pakipasok nyo na ang trak ng ebidensiya!

Ito po ang sinasabi nilang isang trak ng ebidensiya. Ito lang naman pala. Trak-trakan ng mga bata.

Mr. President, sa kagustuhan nilang wasakin ang aking pagkatao, ganyan nila lokohin ang publiko. Pati usaping legal… Pati usaping legal! Binabalahura nila.

Gusto ko lang ipaalala, President Aquino, na AKO, Senador Bong Revilla, si Senator Juan Ponce Enrile, si Senator Jinggoy Estrada, si Commissioner Padaca, at ang mahigit 90 milyong Filipino ay bahagi ng iyong pinamumunuan bilang halal na Pangulo.

Hindi ko na po hihilingin na piyansahan nyo kami kung sakaling maglabas ng warrant of arrest laban sa amin ang Sandiganbayan. Ang kahilingan ko lamang Ginoong Pangulo, ay itrato mo kaming pantay,atipagpalagay na inosente hangga’t hindi napatutunayan na kami nga ay nagkasala.

Huwag po sana nating isara ang ating mata sa tunay na katarungan para sa lahat, dahil ang Pilipinas po ay hindi lang republika ng inyong mga kapartidong dilawan.

Pero saan po ba nagsimula ang lahat ng ito?

Kung inyong natatandaan, noong mismong araw ng eleksiyon ng May 13, 2013 ay pinalibutan ng mahigit 200 pulis ang aming bahay sa Cavite at inakusahang kumupkop ng mga NBI agents na sinasabi nilang lumabag sa gun ban.

Ito ay sa kabila ng pagsabi mismo ng dating NBI Director Nonnatus Rojas at ni Justice Secretary Leila de Lima na lehitimo ang operasyon sa Cavite ng mga ahente ng premier investigating agency ng bansa.

Lahat ng klase ng panghaharas ay ginawa na sa amin, kabilang na ang pagpatay sa marami naming political at barangay leaders. Isipin niyo Mr. President, mismong mga pulis, hinagad ang mga leader namin gamit ang mga pekeng warrant.

Nang humingi kami ng tulong sa PNP at sa mga ahensiya ng pamahalaan, hindi responde ang aming natanggap bagkus ay kami pa ang pinalibutan para hindi makalabas sa mismong araw ng halalan.

Sadyang napakabaluktot na ng ating tinatahak na daan, Mr. President. Kung sino ang inaapi at namatayan, siya pa ang pinapahirapan.

Kaya naman Mr. President, tahasan kong sinasabi sa ating mga kababayan ngayon na nagsimula lang naman ang lahat ng panggigipit ng gobyerno sa akin magmula nang tanggihan ko ang pakiusap ng Pangulong Aquino na suportahan ang kanyang kandidato sa pagka-gobernador sa Cavite.

Magmula po noon, kakaibang pressure na at panghaharas ang ginawa sa amin, lalo na nang matalo ang kandidato ng Pangulo sa aming lalawigan.

Bago po pumutok ang nilikha nilang sarzuela ng pork barrel scam, may malaking isyu ng extortion sa kontrata ng MRT kung saan isinasangkot mismo ang kapatid at bayaw ni Pangulong Aquino. Ayon mismo sa Ambassador ng Czech Republic, may tangka raw kikilan ng US$30 million ang Inekon para matiyak na makukuha nila ang kontrata sa MRT.

Pero ang ending, natalo ang Inekon sa bidding sa MRT matapos hindi makuha ang tatlumpung milyong dolyar.

Pangulong Aquino, sigurado akong naramdaman mo rin ang sakit at hapdi nang maisangkot ang kapatid mo at bayaw mo sa katiwalian. Masakit ‘di ba?

Para sa akin, tila napakahirap paniwalaan na sangkot sila sa anomalyang yan. Kaya’t naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang pakikipaglaban mo para linisin ang kanilang pangalan at ibangon ang kanilang karangalan.

Mr. President, ganoon din po ako. Ibig ko lang linisin ang aming pangalan sa mga mali at mga gawa-gawang akusasyon.

Ginoong Pangulo, kung pag-uusapan lang naman po natin ang tama at mali, tama po ba na habang nililitis ang dating Chief Justice na si Renato Corona ay kailangang makialam ang mismong Pangulo ng Republika sa isang prosesong legal na dapat ay independiyente?

Mr. President, tingnan niyo po ang litratong ito.

Yan po ay plate number ng sasakyan na tinanggal ng may-ari at inipit dun sa kanyang sunvisor. Number six po yan Mr. President which belongs to a cabinet secretary.

Now I bring your attention to the driver who is also the owner of the said vehicle. Wala pong iba ‘yan Ginoong Pangulo, kundi si DILG Secretary Mar Roxas, na DOTC Secretary noon.

This picture was taken before the conclusion of the impeachment of then Chief Justice Renato Corona.

Ang mga tanong Mr. President – Sino ang kumuha ng litrato? Bakit siya nagmamaneho at bakit niya tinanggal yung plaka? Saan siya papunta?

Ako po mismo ang kumuha ng litratong ‘yan Mr. President.

Kinuha ko pa yan gamit ang aking cellphone nang ipinagmaneho ako ng aking driver na si Boy-Pickup, Secretary Mar Roxas, galing sa kanyang bahay sa Cubao papunta sa Malacañang.

Inimbitahan ako ni DILG Secretary Mar Roxas sa kanilang bahay sa Cubao. Dumating po ako doon mga alas-8:00 ng umaga. Pinaiwan niya sa akin doon ang aking mga kasama at sasakyan at ganundin, iniwan niya ang kanyang mga tauhan.

Ipinatanggal niya ang kanyang plaka, pinaupo niya ako sa likuran at pagkatapos noon ay umalis na kami patungo sa Malacañang.

Sa totoo lang po, ako ay naweirduhan sa mga nangayayari kaya ko nga po kinunan ng litrato.

Noong papasok na kami sa Bahay Pangarap, sumilip si Secretary Roxas para makilala siya ng gwardiya sa gate.

Mr. President kaya pala sa likod ako pinaupo, ay para sa pagsilip ng gwardiya, hindi ako nito makikita, at magmukhang mag-isa lang siya at walang kasama.

First time ko lang po yung makapasok sa Bahay Pangarap, Mr. President. Matapos maghintay ng mga 15 minutes, dumating si DBM Secretary Butch Abad. Makalipas lang din ang mga limang minuto, hinarap na kami ng Pangulong Aquino.

Habang nag-aalmusal kami ng pan de sal, kesong puti, itlog, hamon, tapa, sinangag, at mga prutas, bumangka si Secretary Mar tungkol sa mga dahilan kung bakit dapat ma-impeach si dating Chief Justice Corona. Bago kami magtapos, nagulat ako nang sinabi sa akin ng Presidente… “Pare, parang awa mo na, Ibalato mo na sa akin ito. Kailangan siya ma-impeach.”

Sabay sunod naman ni Secretary Butch Abad, “Magtulungan tayo Senator.”

Aaminin ko sa inyo, ako ay nabigla dahil tila dinidiktahan ako ng Pangulo kaya ang naging sagot ko na lang, “Mr. President, I will do what is right. Naniniwala po ako na dapat manindigan sa tama, at gagawin ko lang po ang tama para sa bayan.”

Pagkatapos noon, pinasakay ulit ako ni Sec. Mar Roxas sa kanyang itim na SUV, at inihatid niya ako sa isang restaurant sa labas ng Malacañang. Nag-aapura na daw itong si Sec. Boy Pick-up, at kaya naman pala ay may iba pa siyang pipick-upin.

And the rest is history.

Si dating CJ Corona ang kauna-unahang Chief Justice ng Korte Suprema na na-impeach sa pwesto.

Sinagot ko na ang mga tanong nyo sa mga imbentong akusasyon sa akin. Puwede po bang kayo naman ang sumagot? Tama po ba na pakialaman ng presidente ang impeachment trial?

Kaya ko po ito sinasabi ngayon ay dahil sa isang matinding pangamba.

Hindi ko po maalis sa aking isipan na kung nagawa ito ni PNoy kay CJ Corona, ay maaaring gawin din niya ito na impluwensiyahan ang Ombudsman at Sandiganbayan laban sa amin.

At bakit naman hindi? Eh di ba putok na putok po ngayon ang pilit na pag-impluwensiya sa Korte Suprema para ideklarang konstitusyonal ang pork barrel ng Presidente na kilala bilang DAP. ‘Di ba’t tinatakot pa ang mga Justices na maiimpeach sila at balita pa nga na yung DAP mismo ang ginamit sa impeachment noon? Habit-forming na po ito Mr. President.

Ganunpaman, sa kabila ng lahat ng pagtatangkang ito, lilinawin ko lang po – buo at napakataas pa rin ng aking tiwala sa mga institusyon at sistema ng katarungan sa ating bansa, kasama na ang Supreme Court, Sandiganbayan at Ombudsman. Sana ay hindi ako nagkakamali.

Sa pagwawakas Ginoong Pangulo, ayoko nang muling magkimkim ng aking kalooban.

We have all been witness to a calibrated plan of piece meal and serial revelations aimed to create a bandwagon of hatred.

I, including my family and children, have been vilified and demonized in media. Kawawa naman po ang aking buong pamilya.

Mr. President, tama na po na ako ang kinukutya, Pero, tama po ba na pati ang mga bata na wala namang kinalaman sa pulitika ay kinukutya? Tama po ba na sila ngayon ay binu-bully?

Dahil sa mga imbentong paratang at paninirang puri, ay masyado ito dinamdam ng aking anak kaya’t tumigil muna siya sa pag-aaral ng abogasiya.

Napakasakit po para sa akin, bilang isang magulang, na sa halip na ako mismo ang mag-protekta at mangalaga sa aking mga sariling anak, ay tila ako pa ang pinagmumulan ng kanilang paghihirap ng kalooban at pinagmumulan ng kanilang kahihiyan.

Napakasakit po Mr. President na makita ang aking mga anak at mga pamangkin, na itinatago ang kanilang pag-iyak, at pilit na nagpapakalakas para bigyan din ako ng tibay.

Mr. President, kailan lang, sa isang restaurant sa Tagaytay – may matanda na lumapit sa akin.

Tinapik niya ako sa balikat, sabay hawak ng mahigpit sa aking braso’t kamay. Nangingilid pa po ang mga luha sa kanyang mga mata. Aaminin ko Mr. President, nagulat ako.

Bigla na lang nagliwanag sa akin ang lahat pagkatapos niyang sambitin – “Senator wag kang bibitiw ha, lumaban ka. Naniniwala kami sa iyo.”

Hindi ko po siya kilala Mr. President, pero kung naririnig niya ako ngayon, Salamat po muli Tay. Isa kayo sa mga dahilan kung bakit patuloy ako ngayong tumitindig at lumalaban. Tay, hindi po ako bibitiw. Salamat po sa paniniwala ninyo.

Hindi po niyo alam, matagal na rin akong sinasabihan ng aking ama. Paulit-ulit siya, “Anak, magsalita ka na. Kakampi natin ang katotohanan. Ipaglaban mo ang ating dangal at ang ating pangalan.”

Daddy, eto na po. Ipinaglalaban ko po ang katotohanan. Ipinaglalaban ko ang ating dangal.

I have already accepted whatever fate has in store for me. I have already accepted this political persecution and I will face whatever comes next.

Ginoong Pangulo, tanggap ko na po kung anuman ang nakatadhana sa akin ayon sa sabwatan ng mga kapanalig ng Pangulong Aquino. Haharapin ko kung anuman ang parating.

I am not afraid. Hindi po ako natatakot. I have already surrendered my fate to God.

Sabi nga po sa Isaiah Chapter 41 verses 10 and 11: “So do not fear, for I am with you; do not be dismayed, for I am your God. I will strengthen you and help you; I will uphold you with my righteous right hand. All who rage against you will surely be ashamed and disgraced; those who oppose you will be as nothing and perish.” Thank you Mr. President.

Tagged With: Senator Bong Revilla

Comments

  1. Kajames says

    January 25, 2014 at 5:21 PM

    “The thief who came to dinner!”…

    • Nixon says

      January 25, 2014 at 11:18 PM

      The thief who came to breakfast is more apt in this case.hehehe

  2. parengtony says

    January 25, 2014 at 3:28 PM

    Sa kalaunan nakalimot sila Kap at ang kanyang mga dabarkads na “hindi araw-araw pasko”.

  3. viewko says

    January 25, 2014 at 10:40 AM

    magandang araw po. ang kumento ko, e mga peke naman pala yung mga pirma niya sa dokumento ni luy e, bakit kelangan pang sayangin ang oras ng mga ibang senador? madaling kumpirmahin kung peke o hindi ang pirma. marami naman siyang pinirmahan na ibang dokumento. yung pekeng pirma, pwede makalusot sa kasual na tingin. pero hindi makakalusot pagka inaanalisa na ng handwriting expert. unless peke din yung handwriting ekspert. heh, heh.

    • jorge bernas says

      January 26, 2014 at 9:54 AM

      @ viewko,

      Ako ay nagtataka at nalilito dahil ipagpalagay na nating fake ang mga perma at maging ang prepared N.G.Os. ni janet lim napoles na pinili at ipinilit nang mga butihing mambubutas este mambabatas natin eh bakit sa tagal tagal na laging ganito ang nangyayari ay hindi nila namalayan samakatuwid ay NAPAKALAKING TANGA AT BOBO NANG ATING MGA MAMBABATAS O SADYANG NAGPAKABOBO AT TANGA PARA PAGTAKPAN ANG KANILANG KASAKIMAN AT PAGNANAKAW SA KABAN NANG BAYAN…

      • vander anievas says

        January 26, 2014 at 4:34 PM

        iyang fake at forged na pirma ay ALIBI lang. to coin cong. Farinas, “palusot”…

      • viewko says

        January 26, 2014 at 8:53 PM

        kung bobo o tanga ang mga mambabatas, mas bobo at tanga tayo kasi binoto natin sila. heh heh.
        pero kung nagnakaw sila, tayo lang ang bobo at tanga. sila, matalino kasi naloko nila tayong mga bobo. kaya lang mga magnanakaw sila. heh, heh, heh.
        pero hindi naman ako payag na masabing bobo tayo. pwede siguro sabihing nagkamali lang. at yung mga bobo, hindi natututo. tayo, natututo…. siguro…. di ba diba? don’t answer!!!!
        on the other hand, pwede ring sabihing wala namang mapili. parepareho lang sila. it is the same no matter who you vote for. hmmmm…………….. wawa pilipinas.
        i say let’s keep trying na lang. malay mo, meron tayong matiyempuhang matino…tsaka kung me mahuli na nagnanakaw, dispatsahin na agad…hindi tayo ganun kabobo.. diba diba? don’t answer!!!!

  4. yvonne says

    January 25, 2014 at 8:42 AM

    On the lighter side, mistaken identity pala…

    Nagkamali raw ang mga taong nambugbog kay Vhong Navarro;
    ang pangalan na talagang hanap pala ay Bong Revillarroyo…

  5. DannyG says

    January 25, 2014 at 4:54 AM

    Talagang cinematic ang presentation. Mayroon pang toy truck na ginamit bilang props. Pero ang amazing dito ay ang guest appearance ni Sr. Revilla sa eksena complete with yakapan at hiyakan na para lamang makapag-generate ng “good review” at maging box office ang kanyang privi speech. Hindi ba nabagabag itong si Bong na sa naturang situation ay posibleng atakehin ng matindi at mapahamak ang matandang Revilla ? (Mabuti pa itong si Erap na noon ay kasalukuyang may hinaharap na kaso, ay inatasan ang lahat ng mga kapamilya na huwag ipaalam ang kanyang kinasasapitan sa kanyang noon ay maysakit na ina upang huwag itong mag-alala at maging grabe ang kalalagayan.). Pero, ‘ika nga, kapag desperado, lahat ay gagawin upang makalusot lamang. Ayan sumabit tuloy si Alyas Putik sa kaso. Ang problema kasi sa isyung ito ay napakatagal na resolbahin ng mga kinauukulan kung may kasalanan o wala ang mga akusado sa Ombudsman upang maisampa na ito sa Sandiganbayan at mai-pasa sa Court of Appeals at mai-apela sa Supreme Court nang matapos na ang dramang ito. Ano pa ang kanilang hinihintay kung “trak-trak” na ang ebedensya?

    • yvonne says

      January 25, 2014 at 7:49 AM

      Hmmm, parang pamilyar sa akin ang ganitong eksena. Hindi ba parang ganito rin ang nangyari nuon sa impeachment ni CJ Corona? May nagyakapan, medyo nagkaiyakan pa, sa harap ng camera – involving the relatives of Mrs. Corona, if my memory is not mistaken. IIsa yata ang kinuha nilang media adviser. :-)

      • Nixon says

        January 25, 2014 at 11:21 PM

        Looks like the wheelchair has become an important prop whenever there is a scandal. But hey, let’s give it to Boy Almusal for bringing in the Tonka truck. That is truly original for Boy Tonka.

        • Nixon says

          January 25, 2014 at 11:22 PM

          That is truly original of Boy Tonka.

        • vander anievas says

          January 26, 2014 at 10:29 AM

          pwede ring Boy Sama, Boy Sakay, or Boy Payag,
          wag na ang Boy Sumbong…:)

        • Kajames says

          January 28, 2014 at 1:04 PM

          more appropriate is Boy Kulimbat…

        • filipino_mom says

          January 29, 2014 at 11:40 AM

          kaya pala nawawala yung toy truck ng anak ko that day… nag-guest appearance pala sa senado!

  6. yvonne says

    January 25, 2014 at 1:54 AM

    In politics, there are no permanent friends nor enemies – only permanent personal interests.

    Dati magkagalit si Sexy at si Pogi kase inilaglag ni Pogi ang ama ni Sexy nuong EDSA Dos.

    Ngayon magkaibigan na sila, pinagkampi ni Napoles.

    Kasabihan nga nating mga Pilipino: Sabihin mo kung sino ang mga kaibigan mo at sasabihin ko kung sino ka.

  7. yvonne says

    January 25, 2014 at 1:38 AM

    Dalawang tanong po para kay Bong Revilla:

    1. Naihanap mo ba ng hustisya si Ramgen?
    2. Naipakulong mo ba ang nag-upload ng sex video ni Katrina?

    • zamera says

      January 25, 2014 at 1:52 AM

      Hanggang salita lang po…

      • khymley says

        January 25, 2014 at 5:11 AM

        LIKE ;D

    • raissa says

      January 25, 2014 at 8:23 AM

      ako rin, LIKE

      • parengtony says

        January 26, 2014 at 12:58 PM

        ako rin po, :)

        • leona says

          January 26, 2014 at 6:22 PM

          …at ako pa :(

  8. Argumentado says

    January 24, 2014 at 9:15 PM

    I am sorry Senator Bong. But after your too bitter yet lackluster defense of your innocence, majority of the Filipino people thinks that whatever you will say now in defense, for us it will just a waste of our time and taxpayer’s money. You are too idiot for being too obvious, even filling for the halt of the case on the Ombudsman anticipating you can save your arse before the wheels of justice go on rolling further. You are depending on cheap shots of diverting the blame while attempting to obstruct your case. We have enough of trapos like you. Your place should be in the Senate chambers but on the dungeon of demons paying your penance for the wrongdoings you did to the Filipino people

  9. Jo says

    January 24, 2014 at 8:55 PM

    Dear Public Official,

    It doesn’t matter whether you are appointed or elected. as long as you are a public official, you are accountable to us because it is our money paying your salary.

    If you find yourself in such a mess now, simple lang naman eh.. if there is truth in the allegations, gayahin mo si chichay and say, “sorry po” (as in got ot believe); or gayahin mo si GMA and say, “I’m sorry” (as in hello garci). Who knows, baka gumaan pa ang sintensya…

    Otherwise, prove you innocence and face your case in court and make my day.

  10. duquemarino says

    January 24, 2014 at 8:52 PM

    Last January 20, 2014 at 1:58 pm I received a text message:
    “Magandang hapon po. Abangan apo natin mamayang 3:00 pm ang pagtindig at pagsasalita ni Sen. Bong Revilla sa senado. Sasagutin po niya lahat ng mga paratang at isisiwalat ang katotohanan.”

    The text message came from +3540520140200. I find this amazing and chilling. I doubt if the text was sent randomly, even the number is strange to me. Obviously a spam text, but from whom.

    @raissa, is it possible to trace this number. I’m sure this type of messaging will be used in 2016 elections. Saan kaya o sino yung source?

    • duquemarino says

      January 24, 2014 at 9:05 PM

      By the way, ang privilege speech ay tila nagsilbing mitsa upang lalo pang madiin ang mga Revilla. Mga Revilla, dahil ayon kay Benhur Luy, si Nardong Putik na ama ni Bong Panday diumano ay may dealings din ng PDAF kay Napoles nuong sya ay senador pa.

      Like father, like son. Pero mas malaki ang nakurakot ng anak. Amazing Kap(plunder).

    • Vibora says

      January 24, 2014 at 9:35 PM

      that phone number is from Iceland (354 Country Code)

      • duquemarino says

        January 25, 2014 at 7:00 AM

        @vibora, thank you. Mukhang may global support din si Amazing Kap o baka naman nasa Iceland nakadeposit ang proceeds ng na-amass nyang PDAF.

        • baycas says

          January 25, 2014 at 8:57 AM

          Isn’t it amassing?

        • Vibora says

          January 25, 2014 at 3:48 PM

          @duquemarino, welcome.
          global support? just a friendly advise, don’t go to malaysia or they will certainly lose their face.
          http://newsinfo.inquirer.net/569089/international-media-dismiss-as-hogwash-censoring-pig-faces-in-malaysia

  11. Kamison says

    January 24, 2014 at 8:51 PM

    Aniya ni Bong Revilla –

    “Tinimbang ko po ang lahat, lalo na at payo sa akin ng aking mga abogado na huwag na ako makipag-sagutan. Pero heto po ako at walang halong kaba.”

    Tinimbang ka’t ngunit kulang.

    “… walang halong kaba.” – Pautot. Gas pain ika nga.

    “Pero saan po ba nagsimula ang lahat ng ito?”

    Saan nga ba nagsimula, Bong? Naipamana ba mula sa Daddy mo ang modus operandi? O may anting-antig. Hindi lang naman kayo ang gumagawa niyan.

    Makakatulong at mabibigyan ng say-say kung matigil na ang nakawan sa mga Pork Barrel funds (halimbawa).

    Kung buhay pa si Dely Atay-atayan, Dolphy, atbp ( of Puruntóng family of John and Marsha), sasabihang kang –

    ‘Kaya ikaw Bong, magsabi ka na ng katotohanan. Hindi kayo madedehado kung paninindigan ninyo ang mga kamalian ninyo.’ Aminin mo na!

  12. Kamison says

    January 24, 2014 at 8:06 PM

    Not a good nor believable script.

    Hindi kikita sa takilya ng pelikulang makatotohanan o True to Life Story.
    Pupuwede ba siguro sa makaBolahang sitcom.

    Bong, habang hindi ka pa naa-aresto’t makukulong – kumanta ka na at mangumpisal.

    Makakatipid pa ang gobyerno sa dagdag gastos kung aminin mo na agad.

    Hindi pa nababakante ang Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna. Ganuon din ang Veterans Hospital. Kaya siguro pending pa ang Warrant Of Arrest ay hindi pa na book ang preso ninyo.

    Saan kaya kayong tatlo iba-bartolina? Have you guys prepared your political persecution speeches?

    • Kamison says

      January 25, 2014 at 10:08 AM

      Make way for new prisoners. One prisoner could be his second imprisonment at Fort Sto. Domingo

      —

      Aquino allies want Napoles transferred to regular jail
      By Gil C. Cabacungan
      Philippine Daily Inquirer
      3:00 am | Saturday, January 25th, 2014

      Read more: http://newsinfo.inquirer.net/568827/aquino-allies-seek-transfer-of-napoles-to-regular-jail

      • kalahari says

        January 26, 2014 at 10:08 AM

        Aquino allies are afraid napoles may tell the truth and implicate them – hence to preclude such incident, the “bahala na or sigue-sigue gangs” will permanently seal the lips of napoles.

  13. baycas says

    January 24, 2014 at 4:28 PM

    @yvonne,

    At least here:

    http://newsinfo.inquirer.net/567405/luy-revilla-sr-also-dealt-with-napoles

    A comment by @Concur_Dissent…

    Vote up if you think Revilla is a liar and nothing more than a scoundrel

    Vote down if you believe Revilla is telling the whole truth

    There were a number who thinks Bong is lying: 102 thumbs up with 0 thumbs down, so far.

  14. vander anievas says

    January 24, 2014 at 4:07 PM

    kap, amazing ka talaga. mas maniniwala ako kay benhur…
    at kung sa palagay mo ay maling i-convict mo si atong, sana di mo na lang ginawa…
    “Mr. President, tama na po na ako ang kinukutya, Pero, tama po ba na pati ang mga bata na wala namang kinalaman sa pulitika ay kinukutya? Tama po ba na sila ngayon ay binu-bully?”
    kap, sila ang aming future leaders(leaders in the making)

    • moonie says

      January 25, 2014 at 2:05 PM

      bong is such a silly man. why ask the prez when bong himself can answer his own question? bong knew why the kids are being bullied, bullies rin yata kasi sila, e. and those that they have previously bullied got ammunitions and are now hitting back.

  15. Kajames says

    January 24, 2014 at 3:24 PM

    I don’t see any “vitamins” on sen. (kuno) Revilla’s PS., in fact it only opened a can of worns for the Revillas…

    • Toni Montana says

      January 24, 2014 at 9:38 PM

      Kap, between you and Paquito Diaz, Romy Diaz, Maximo Alvarado and Bwaya at ibang kontrabida sa mga baduy mong pilikula…. mas Ikaw ang real na kontrabida sa tutuong buhay!

Newer Comments »
First they came for the Socialists, and I did not speak out— Because I was not a Socialist Then they came fof the Trade Unionists, and I did not out speak out— Because I was not a Trade Unionist. Then they came for the Jews, and I did not speak out— Because I was not a Jew. Then they came for me— And there was no one left to speak for me. —Martin Niemöller (1892-1984)

Subscribe to raissarobles.com

Please select all the ways you would like to hear from raissarobles.com:

You can unsubscribe at any time by clicking the link in the footer of our emails. For information about our privacy practices, please visit our website.

This blog uses MailChimp as a mass mailing platform. By clicking below to subscribe, you acknowledge that your information will be transferred to MailChimp but only for processing. Learn more about MailChimp's privacy practices here.

Christopher “Bong” Go is a billionaire – Duterte

https://www.youtube.com/watch?v=_NmX1Px57cI

Find more of my articles by typing here:

My Stories (2009 – Present)

Cyber-Tambayan on Twitter:

Tweets by raissawriter

Copyright © 2022 · News Pro Theme On Genesis Framework · WordPress · Log in

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish.Accept Decline Read More
Privacy & Cookies Policy

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. This category only includes cookies that ensures basic functionalities and security features of the website. These cookies do not store any personal information.
Non-necessary
Any cookies that may not be particularly necessary for the website to function and is used specifically to collect user personal data via analytics, ads, other embedded contents are termed as non-necessary cookies. It is mandatory to procure user consent prior to running these cookies on your website.
SAVE & ACCEPT