Just my opinion
By Raïssa Robles
The
human rights lawyer and 2016 presidential candidate Jejomar Binay wants Filipinos to “move on” from crying out against the injustice and atrocities committed by the Marcos dictatorship, because he said that, anyway, Marcos is dead.
Now that Marcos is dead, however, Binay wants to honor him by burying his alleged corpse at the Libingan ng mga Bayani.
Not only that, he wants the dictator’s son to be his running mate in 2016.
No member of the Marcos family – three of whom were also government officials during the dictatorship – has apologized for ANYTHING. Not the human rights abuses. Not the plunder. Nothing.
As someone on Facebook said, Anakin has completely gone over to the dark side.
I do believe Binay is setting the predicate for his own alleged misdeeds. He also wants voters to “move on” and erase whatever questions people have regarding his wealth.
Thanks to my fellow journo for this copy of the transcript. And to Luchi Cruz Valdez for asking Binay some tough questions.
We can’t move on until he has personally answered all those questions about his wealth, point by point.
Transcript of Vice President Jejomar C. Binay’s interview with Luchi Cruz Valdez at Reaksyon, dated 3 September 2015 from the Office of the Vice President
ANCHOR: (not recorded)
VP BINAY: My father was a government employee. Nakatikim din naman ako na pinaliliguan ka ng maaligamgam na tubig at pagkatapos mong maligo ay pinupunasan ka ng alkohol tapos nilalagyan ng pulbos. Noong namatay ang nanay ko, natuto ako na mabuhay ng mag-isa. Tumira ako sa kapatid ng tatay ko. Natuto akong gumising ng alas singko nagwawalis, ilalabas yung panabong, nagaalmusal, nangunguha ng kaning baboy, naglalaba, namamlantsa, namamalengke, marunong akong mamlantsa so bahagi ito ng buhay ko kaya alam na alam na diyan sa palengke, alam mo yung panutsa? Masarap iyon sa sago at gulaman. Yung panutsa napakalasa niyan kapag nilalandingan ng langaw iyon. (laughs)ANCHOR: So doon niyo hinahalintulad ang sarili ninyo?
VP BINAY: Hindi naman. Ang sinasabi ko lang, nasa palengke ang mga tunay na tao. Hindi ba yung mga self righteous, sila lang ang may karapatan sa mundo, yung ganoon ba. Taong-tao ang makikita mo sa palengke.ANCHOR: Bakit hindi po kayo sumipot sa subcommittee at pangalawa yung ibang mga inaasahang sumipot (Baloloy at Limlingan) ay nagtago?
VP BINAY: Alam mo lagi kong sinasabi, alam ho ninyo ang hindi pagsipot, binabalik ko sa nagtanong. Luchi kung ikaw si Vice President Jojo Binay, ang haharapin mo numero unong nambabastos. THe demeanor is marami ka pang dapat hingin. Pangatlo, guilty ka na. Hindi na yung very purpose of the invitation as a resource person which is tutulungan mo sila sa pagkatha ng batas. Ito, papalabasin na ikaw ay convicted na. Guilty. Nagsimula ito sa over pricing eto ngayon nasa graft and corruption. Ang lalayo na ho nito. Iyong kay Limlingan at baloloy, kung ang kalusugan mo ay katulad noong sa kalusugan ng dalawang iyon, tiyak na tiyak, kung sila man ay nagtatago, hindi ko alam. Kasi kapang sinabi kong sila ay nagtatago, alam ko kung nasaan sila. Basta hindi ko alam kung nasaan sila.ANCHOR: Hindi niyo po alam kung nasaan sila?
VP BINAY: Sa Diyos at sa tao hindi ko alamANCHOR: Did you make an effort to getr in touch with them?
VP BINAY: Unang una na ho, alam ko na yung kalusugan ng mga iyon, baka ganoon din ang gagawin ko. Hindi ko alam kung magtatago pero hindi sisipot. Iba naman kasi ang hindi pagsipot sa nagtatago.ANCHOR: You have 8 months to go to convince people that you are not guilty. May naiisip po ba kayong stratehiya?
VP BINAY: Noong una pinapalampas lang namin iyon kasi akala namin titigil. Pero ngayon naghabla na kami. Nagfile kami ng criminal case at civil case.ANCHOR: As a political campaign strategy how will that help?
VP BINAY: Kapag hindi ka nagfile ng case sasabihin kung wala kang kasalanan bakit hindi ka lumalaban? Kita mo iyong hindi pagsipot kasalanan iyon lalo pa’t pinagsisinungalingan at sinisiraan ka anong ginagawa? Maghabla ka. Kaya naman ang sabi namin sa kanya, huwag niyo pilitin diyan sa Senado, dahil trabaho ng hukuman iyang ginagawa ninyo.ANCHOR: Ang inaabangan po ng mga tao is yung running mate ninyo…
VP BINAY: Nasa selection committee na po. Noong una nasa search committee, tapos na po yung search committee. Nakapagsearch na sila. Kakaunti na lang po yung pinagpipilian na tao, pinipili na po.ANCHOR: Si Bongbong Marcos ho ang pinakamatunog ngayon at pinapakita daw po nito na kayo ay isang political butterfly.
VP BINAY: Ang minamasama nila kay Bongbong ay siya ay anak ni former president Ferdinand Marcos. Pero si Ferdinand Marcos tapos na po, namatay na po. Iyong ipinaglaban natin ay nagamot na ho natin in a way at nabalik na po noong panahon ni president Cory ang diwa ng demokrasya. Hindi na ho issue.ANCHOR: Kumpiyansa ho kayo na hindi gagawin ni Bongbong ang ginawa ng ama niya?
VP BINAY: Sabihin na lang natin na ang pinakamagandang assumption is the goodness of the man.ANCHOR: Siguro po ang presumption ng mga botante ay nandiyan pa rin po si Imelda at si Imee. May takot po kaya na manumbalik ang rehimen na iyan?
VP BINAY: We are 102 million in population. Magiging kasinungalingan o kahipokrituhan ang sabihin sa iyo na mawawalan ng agam-agam lalong lalo na iyong mga naging biktima ng martial law. Pero tapos na iyon. For the first time sasabihin ko sa iyo, 2nd World War hindi ba ang atrocities ng mga hapon abot-abot? Bakit ngayon ok na ang relationship natin sa Japan? Di ba? Tapos na ang yugto na iyon. We have to move on. Ang gusto ko sana ay yung aking pamamahala ay maging unifying at healing administration.ANCHOR: Senate lineup po ninyo? Marami pong nagsasabi na wala ng gustong pumartido sa inyo?
VP BINAY: Yung mga nagsasabi po niyan ay yung mga naglalabas na ako yung nasa pinakamababa sa survey na ginawa.ANCHOR: LP? Ano nga po ang reaksiyon ninyo doon sa nangunguna na sa survey si Sec. Mar?
VP BINAY: Sabi nga ni minister Goebbels ng Germany, a lie repeated at the end of the day naniniwala na. Basta ho kami magkakaroon kami ng mga kandidato.ANCHOR: Yung 12 mabubo po iyan?
VP BINAY: Pipilitin ho natin.ANCHOR: Sabi niyo po ayaw niyo ng politiko sa gabinete pero nasabi niyo rin po na si Sec. Teves ay magiging parte ng gabinete ninyo. Siya po ay naging pulitiko mismo.
VP BINAY: Ang pagkatao po ni Sec. Teves ay hindi pulitiko.ANCHOR: So pagkatao po ang pinag-uusapan?
VP BINAY: Although he belongs to a political family, nandiyan ho si Sec. Teves, outstanding, bright at mahusay na cabinet member natapos lang dahil iba na ang administrasyon. Gusto ko ho ang maging cabinet member ko ay katulad ni Secretary Teves may karanasan na, noong mawala sa gobyerno nagpapatuloy din naman po sa gawaing tama, wala ng learning curve. Tuloy-tuloy po ang trabaho. Iyong mga sa malamang na magiging problema, sa malamang din nagawan na ng solusyon.Anchor: Sir kasi sa panahong ito, ang pakiramdam ng taong bayan, meron pa ba talagang matinong pwedeng italaga? Sa napakaraming posisyon sa Gabinete, isa-isahin na lang po natin halimbawa sa DOTC, isa po iyan sa mga talagang, sabihin na natin medyo kinamumuhian ngayon. Sino po ang nakikita ninyong ia-appoint sa posisyon na iyan? Saan pa ba may controversial?
VP Binay: Agriculture, iyong ang matindi, kasi iyan ang mga pulitiko…Anchor: Exactly. Sino po ang itatalaga sa mga position na iyan kapag kayo ay naluklok?
VP Binay: Sana maniwala ka ha, hindi ko ho naisip pa kung sinong ilalagay ko sa DOTC, kasi ang napapag-isipan ko na ay iyon bang bahagi ng Communications, dapat tanggalin na iyon. Kailangan Department of Transportation na lang iyon, tapos ilagay na po natin sa ibang departamento iyong Transportation [Communication].Anchor: Ano po sa tingin ninyo ang pangmatagalang lunas dito sa problema natin sa imprastruktura partikular sa traffic?
VP Binay: Alam mo Luchi, hindi lang sa traffic ha. Sa lahat-lahat ng yugto ng pamamahala, kinakailangan iyong namumuno at namamahala ay mayroong executive ability. Marunong magdala ng tao, marunong sa mga plano, at marunong magpa-implement ng kaniyang plano. Iyong ang kailangan, executive ability. I’d just like to go further. Luma na itong prinsipyo sa public administration -nag-aral ako ng public administration. Dati rati dito sa Pilipinas lalo na, Department of Health, kailangan doctor. Department of Public Works kailangan engineer. Hindi na po iyon ang current public administration policy. Ang kailangan na manager and administrator. Si Sec. Ping de Jesus, hindi engineer yon, but he was a successful secretary of the Department of Public Works. Iyong boss mo dito, si Mr. Pangilinan, nabuhay nila, naging maunlad na muli ang Makati Medical, ang manager doon hindi doctor, ang presidente hindi doctor. So, iyan ang sinasabi ko, marami tayong mapapag-usapang plano, plano, etc. Ang pinaka-importante diyan, iyong magpapa-implement niyan, iyong magpapatupad niyan ay dapat may executive ability. Manager or administrator.Anchor: Wala na po masyadong oras, pero just to run through, iyong sa pinakamatutunog po na pahayag ninyo partikular sa platform, unang-una na iyong pagsusulong ninyo sa economic cha-cha at pati na sa term limits sa pagli-lift po noon. Maaari niyo po bang ipaliwanag halimbawa ang inyong posisyon doon sa foreign investments na tatanggalin niyo na iyong 60-40 limit? Hindi po ba sabi nga ng marami lalo na ang left-leaning groups anti-nationalist iyon?
VP Binay: Talagang consistent ang line na iyon. Aktibista din ako, ha. Pero sa mga pagkakataong ito, iyang mga restrictions na ganyan, dati-rati nandoon iyan sa Thailand, sinasabi nga ng Thailand isang dahilan kung bakit sila umunlad ay ni-lift nila, they became more liberal doon sa ganyang restrictions. So, mayroon naman tayong mga maituturong tama ang nangyari. Palagay ko, hindi naman mali, dapat nga magkaroon na tayo ng pagbabago sa ating Saligang Batas para maging liberal tayo, at may magi-invest dito sa Pilipinas.Anchor: Term limits sir, bakit niyo ba sinusulong itong panunumbalik sa 1935 Constitution provision on limits?
VP Binay: Kasi po, sa mga nangyayari sa ating karanasan, medyo matagal po ang anim na taon para doon sa pinapangarap at ginugusto ng taumbayan. Tutal naman, pwede ding magtagal. Ibabalik natin iyong apat na taon kapag maganda, katanggap-tanggap ang ginawa ng pangulo, pwede siyang magpa-reelect ng isang beses pa. So ang kabuuan walong taon. Dahil iyong anim na taon, biro mo rally dito, negotiation dito. Hihintayin mo iyon hanggang anim na taon, hindi magiging productive.Anchor: Pero ano po ba talaga ang ideal, wala naman kasing ideal diyan, sabi nga nila six years is too long for a bad president, too short for a good president. Eight years naman is too long for a bad one.
VP Binay: Too short in terms na wala na siyang re-election, in that sense. Ito, parang compromise na nga, naiisip-isip ko, 4 years, kapag masama, huwag ihalal. Kapag magaling, ihalal ulit. Magiging walong taon.Anchor: But is this really that important, moving the nation forward, na isusulong ang mga amendments na iyan? Iyan ba talaga ang kakailanganin ng ating bansa sa puntong ito ng ating kasaysayan? Bakit iyan po ang idinidiin?
VP Binay: Kasi, nakakaranas tayo, nitong mga nakaraang administrasyon, sobrang haba. Bale ba naman, iyong nangyari pa kay President GMA, siyam na taon iyon, 6 plus 3 iyon.Anchor: But that was extraordinary din naman kasi…
VP Binay: Oh well. Pero, maraming mga naging opposition, basta it stands, why do we have to take the risk, have that experience again of having a president who’s not good for six years?Anchor: Ano pong priority ninyo sa oras na kayo’y maluklok?
VP Binay: This will be part of the first 100 days. Kasi malawak iyong pinagu-usapan natin, sa ekonomiya, sa social services, sa education, lahat iyon priorities eh. Sa ekonomiya, maipagpatuloy natin ang pagganda ng ating ekonomiya, iyong ating infrastructure needs–maiayos natin ang mga airports, railroads, etc. Sa education, dagdagan pa natin ng budget, at saka itong K-12 -ang konsepto ng K-12 maganda. Kaya lang iyong opposition dito medyo tama rin naman, na mukha yatang padalus-dalos, maraming hindi napaghandaan na ngayon ay lumalabas na problema.Anchor: Maraming salamat po sa inyo Mr. Vice President, Jejomar C. Binay. Magandang gabi po.
VP Binay: Maraming salamat, at magandang gabi din po.
Kamison says
The dark side of Jejomar Binay? who hass a darker side?
eto, hav a tour of rome, pope francis will be in the US for historic visits. bisitahin muna ninyo ang ka Vetican sa roma.
https://www.youtube.com/watch?v=fc99vUS_PZE
Kamison says
pala sa mga members annd citizens of the roman catholic church at state.
panuod din ang interview with i>‘Leo Lyon Zagami, ex-member of the Comitato Esecutivo Massonico – the Masonic Executive Committee – of Monte Carlo, was, until recently, a high level member of the Italian Illuminati. He is a 33rd degree Freemason, and a senior member of the infamous P2 Lodge. He was the ‘Prince’: prepared to take over after the older Illuminati ‘King’, Licio Gelli. He was born of a Scottish-Sicilian Illuminati aristocratic bloodline, and so has been involved in the Illuminati Order since childhood.’
https://www.youtube.com/watch?v=fc99vUS_PZE
Kalahari says
Grace promised everything, including the stars up above, just to capture the masa’s sympathy and votes. She and her speech writer know they were impossible to achieve due to insufficient government funding.
She premised her opening salvo to continue what her famous father had started, IN HIS MOVIES, for fighting for the upliftment of the sad plight of the poor.
Just like chiz, who announced formally this morning at the Club Filipino, his acceptance as grace’s vp candidate, both clearly personify the traditional trapos we’ve started to abhor.
New faces kuno but dressed in trapos’ clothing.
Victinluz says
NERBYOS na ang mga taga ROXAS….. Lalong lalo na pag lalabas ang YOLANDA rehab failure ni ROXAS at ang mga hmm hmm ni KORINA…POE will win the P next 2016 in so many miles…Ala pa kayong VP ha lahat ayaw sumama sa pagkakatalo ni ROXAS… Si ROBLEDO ayaw na rin iyan ..he he maybe..
Rasec3 says
Oh no, you’re back @Victin,,BTW did you receive the flowers I send you. pls throw it away, I thought you’re gone for good.. :)
Victinluz says
@Rasec…Wag naman , i kept those flowers you sent anyway at any rate , we are both with ” TUWID na DAAN ” kaya kung si ROXAS o si POE ang manalo at maging P natin sa 2016 payag naman ako WAG LANG si BINAY diba? @Rasec…
matt says
nerbyos ako ngayon na naglalabasan na lahat ng sumusoporta kay grace poe, and most of them are trapos. i thought she was independent. pero mukhang ko kontrolin sya ng NP
Kamison says
nasaan na ang artikulong na may pamagat –
Presidentiable Grace Poe, you’re too complicated!
An Observer says
Here is another opinion related to Poe’s renunciation of her Filipino citizenship. Ms. Doyo, the writer, said that once you renounced your loyalty to your motherland, you can’t have it all back.
http://opinion.inquirer.net/88611/renouncing-ones-motherland