• Home
  • About me
  • My Privacy Policy

Inside Philippine politics & beyond

Tambalang Poe-Chiz – kukulay sa mga pangako ni Grace Poe kagabi

September 17, 2015

Share:
Twitter0
Facebook0
LinkedIn0
Pinterest0

Panoorin ang video ng talumpati ni Grace Poe 

Teka muna, bakit kapareho ang kulay at poster ni Barack Obama at Grace Poe? 

Opinyon ni Raïssa Robles

Minabuti kong pumunta sa proklamasyon ni Senador Grace Poe kagabi upang magmasid.

Siya na lang kasi ang hindi ko nakikita nang malapitan sa tatlong kakandidato ng pagkapangulo.

Kasama ng ilang libong supporters, naghintay ako ng mahigit na tatlong oras upang marinig ang kanyang sasabihin.

Eto ang ilang obserbasyon ko sa nangyari kagabi:

  • Walang inimbitang estudyante si Grace Poe sa proklamasyon niya sa loob ng UP
  • Walang tinatag na partido o “movement” si Grace Poe sa kanyang pagtakbo. Magpapa-ampon siya sa ibang partido
  • Wala siyang binanggit tungkol sa pagtutol sa political dynasty
  • Wala siyang binanggit tungkol sa mga nakaw na yamang mga kaso ng pamilyang Marcos o sa mga katarantaduhang ginawa ng rehimeng Marcos

Kasi malapit ang pamilyang Poe sa mga Marcos. Ninong at ninang sa kasal ni FPJ at Susan Roces si Ferdinand at Imelda Marcos.

Sa mga magsasambit na – importante ba yan? Kopong-kopong pa yan, a.

Ang sagot ko – malalaman mo ang “attitude” ng isang tao sa korapsyon at “human rights violations” sa attitude niya sa mga Marcos. Yun lang.

Nguni’t maganda ang ilang mga bagong pangakong binanggit niya –

  • pababain ang singil sa kuryente,
  • pababain ang income tax,
  • pabilisin ang Internet,
  • pataasin ang “investment” sa “infrastructure” tulad ng kalye, tren, at iba pa.

♦  ♦  ♦

UPDATE: Isang kaibigan ko sa Facebook na si Shirlyn Macasarte Villanueva ang nakapansin nito. Kapareho pala ang color scheme at estilo ni Grace Poe at Barack Obama. 

♦  ♦  ♦

Ginanap ang proklamasyon ni Grace Poe sa loob ng Unibersidad ng Pilipinas nguni’t hindi imbitado ang mga estudyante. Piling pili lang ang nakapasok: yung ilang mga pulitikong nagdala ng kanilang mga supporters, yung mga supporter na kusang nagpunta sa Bahay ng Alumni ng UP. At siyempre mga media.

♦  ♦  ♦

Isang pulitikong dumalo kagabi ay si Valenzuela Councilor Shalani Soledad – Romulo, yung dating GF ni Pnoy.

Make your own conclusions.

♦  ♦  ♦

Siyempre kapag nag-iintay ka ng 3 oras malikot ang isip mo.

Halimbawa, tagilid nga ba ang pamilyang Erap sa San Juan?

Ang unang pulitikong nakita ko kagabi ay si Congressman Ronaldo Zamora. Pabiro kong sinabi sa kanya, “kaya pala wala dito si Mayor Erap (Estrada) kasi nandito ka.

Sagot niya, “Bakit, imbitado ba siya?”

“Totoo bang tatakbo ang anak mo laban kay San Juan City Mayor Guia Gomez?,” tanong ko.

“Eto siya,” sabi sa kin ni Congressman Zamora.

Sa unang lingon ko, ang nakita ko ay ang dibdib ng anak niyang si Francis. Kinailangan ko pang tumingala para makita ko ang mukha niya. Napakatangkad kasi. “Aba,” naibulalas ko, “kasing-taas pala ng anak mo yung billboard niya sa Edsa.”

Hindi ko natanong kung basketball player si Francis Zamora. Ang naglaro sa isip ko ay – totoo pala ang nasabi ng isang source ko na hindi ko puwedeng banggitin ang pangalan. Baka tumagilid ang pamilyang Erap sa San Juan.

Siguro may nagtatanong diyan – bakit ko binabanggit ito sa proclamasyon ni Sen. Grace Poe? Nag-iintriga ba ko?

Hindi. Isa sa mga pakay ko sa pagpunta kagabi ay para sulyapan kung sino-sino ang ka-alyado ni Grace Poe sa pagtakbo niya bilang pangulo.

Sa Pilipinas, maari kang tumako na “independent” bilang senadora. Nguni’t kailangan mo talaga ng partido sa pagtakbo bilang pangulo dahil ang trabahong ito ay sukdulang “team effort.” Hindi mo mapupuno nang mag-isa ang libo-libong mga posisyon sa gobyerno, kasama na ang gabinete. Aasa ka sa mga ka-alyado mo.

Abangan natin ngayon kung si Mayor Erap susuporta pa sa inaanak niyang si Grace. Baka awayin siya ni Mayor Guia diyan. Kung mawala si Erap sa piling ni Poe, maari siyang sumanib kay VP Binay o kay Mar Roxas. Hmmm.

♦  ♦  ♦

Nagtaka ako kagabi na walang diniklara si Grace Poe na partido or “movement” man lang. Nang tumakbo ang yumao niyng ama noong 2004, bumuo si Fernando Poe Jr. ng Koalisyon ng Nagkakaisang Pilipino (KNP).

Kaya ang kutob ko kay Grace Poe, para siyang “political foundling” na magpapa-ampon sa ibang mga partido: sa Nationalist Party Coalition o Nacionalista Party.

Ang tanong ngayon, ano ang mga kondisyon na ilalatag ng iba’t ibang partido para ampunin siya. Ilang “cabinet post” ang hihingin nila. Ilang appointment sa Supreme Court ang aangkinin nila?

Kagabi, may mga nagsabi na nandoon daw si Nathaniel Santiago ng Bayan Muna. Kung totoo yon, ibig sabihin talagang hindi sasanib ang Makabayan bloc kay Bise President Jejomar Binay.

Sa akin lang, nagtaka ako na sasanib ang Makabayan bloc kay Grace Poe.

Habang si Nat Santiago ay nasa proklamasyon niya, mga ka-partido niya ay nag-rally sa harap ng US Embassy laban sa EDCA. Walang nabanggit si Grace Poe tungkol sa posisyon niya sa EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement) o mas malawakang pagkakaroon ng mga Amerikanong sundalo at kanilang mga kagamitang pandigmaan sa loob ng Pilipinas.

At siyempre, si Grace Poe ay isang “former American citizen”.

♦  ♦  ♦

Ngayong umaga, nagdiklara si Grace Poe na ka-tandem niya si Sen. Chiz Escudero sa pagtakbo.

Wala din silang partidong binalangkas.

Seryoso ba talaga sila, o nakasandal sa kaalamang meron pa silang babalikang mga puwesto sa Senado kahit matalo man sila?

♦  ♦  ♦

Sa pulitika, matitimbang mo ang mga matatamis na pangako ng isang pulitiko sa mga ginagawa niya.

Ang tambalang Poe-Chiz ang kukulay sa mga pangakong hinulog ni Senadora Poe kagabi.

Nang ikinasal si Senator Chiz Escudero, mga ninong niya sa kasal ay sukdulan ng yaman at maraming inaasahang mga kontrata sa gobyerno. Galing itong “meme” na ito kay “Ahente Probokador” na pinost niya sa Facebook.

Doon na lang, parang ang tindi na ng “conflict of interest” ni Sen. Chiz. At ang pagkuha ni Grace Poe sa kanya bilang VP ay nagpapatunay na Ok naman pala kay Grace Poe ang magkaroon ng ganyang conflict of interest.

Paano kung magbabanggaan ang gusto ng mga “donors” sa nakakabuti sa masa?

Para mabura ang ganyang “perception” kailangan magdiklara si Grace Poe habang maaga pa na walang sabit ang mga donasyon sa kanilang kampanya.

At mangako na magiging transparent lahat ng malalaking government contracts, lalo na yung mga negotiated contracts.

♦  ♦  ♦

Sa akin lang, medyo “disappointed” ako kagabi kasi walang tunay na repormang panlipunan na inilahad si Grace Poe, na nag-aral ng political science sa UP.

Hindi niya nabanggit kung ano ang gagawin niya para maprotektahan ang libo-libong mga contractuals ng mga shopping malls at kainan.

Kawawa talaga ang buhay ng contractual. Pagkatapos ng limang buwan, tatanggalin ka sa puwesto, hindi dahil nagkasala ka, o hindi ka magaling. Dahil lang walang batas na pumoprotekta sa kanila. Kasi hawak sa leeg ang mga mambabatas nating ng mga mall tycoons.

Hindi ako komunista.

Tao lang ako na naaawa, nakikisimpatiya. At nabubuwisit sa ganyang sistema. Ang trato sa mga tao, parang bagay na gagamitin lang ilang buwan, tapos itatapon ng ganoon na lang.

Kaya maraming mahihirap sa atin. Kasi maraming trabaho may shelf-life na maigsi. Limang buwan lang.

Habang limpak limpak na salapi ang kita ng ating mga mall tycoons, shop and resto owners.

Anong gagawin ni Senador Grace Poe diyan sa ganyang sistemang “contractualization”?

**

Pakinggan natin ang mga matatamis na pangako ni Grace Poe. Maganda ang mga katagang ginamit niya. Magaling ang tumulong sa kanyang humubog nito, kung meron man. Alam ang kiliti ng nakararaming masa at kabataang botante:

**

Ngayon ko lang nasilayan ang “behind-the-scenes” ng isang “political rally.” Nakakatuwa pala.

Kagabi kasi, ginawa ang ensayo habang kaharap ang mga nanunuod na supporter at mga media. Ganito ang nangyayari bago dumating number one:

Ang nakakatawa, hindi nangailangan ng ensayo yung mga supporter kasi talagang mahal nila si Grace Poe.

Tagged With: 2016, Manila Mayor Erap Estrada, Marcos, Senator Chiz Escudero, Senator Grace Poe

Comments

  1. Alejo says

    October 13, 2015 at 12:29 PM

    Another big problems are the majority voters who are squatters n in their ka isipan are not realy studying thingking ours situation in life’s or our stability in life’s that’s why if a applicants has a bad records we don’t needs to votes thems rule number one lets free Philippines in corruptions

  2. Alejo says

    October 13, 2015 at 12:25 PM

    Calling n paging all botante makes sure Hindi na tayo magka kanaku sa pag puli ng iboboto natin question how soo study think n analys them individuals

  3. Alejo says

    October 13, 2015 at 12:14 PM

    Mga candidates are applicants for certain positions in gobyierno now we the voters will decides or makes the deductions via voting system. Now as a desiccion makers what do you have in your utak isip by now what are your requirement n qualifications to all of this applicants soo makes your own study n assignment in order to hired or accept this applicants periods

    • raissa says

      October 13, 2015 at 3:15 PM

      Tama ka, Alejo.

      We should be spelling out the job description. Not the other way around.

« Older Comments
First they came for the Socialists, and I did not speak out— Because I was not a Socialist Then they came fof the Trade Unionists, and I did not out speak out— Because I was not a Trade Unionist. Then they came for the Jews, and I did not speak out— Because I was not a Jew. Then they came for me— And there was no one left to speak for me. —Martin Niemöller (1892-1984)

Subscribe to raissarobles.com

Please select all the ways you would like to hear from raissarobles.com:

You can unsubscribe at any time by clicking the link in the footer of our emails. For information about our privacy practices, please visit our website.

This blog uses MailChimp as a mass mailing platform. By clicking below to subscribe, you acknowledge that your information will be transferred to MailChimp but only for processing. Learn more about MailChimp's privacy practices here.

Christopher “Bong” Go is a billionaire – Duterte

https://www.youtube.com/watch?v=_NmX1Px57cI

Find more of my articles by typing here:

My Stories (2009 – Present)

Cyber-Tambayan on Twitter:

Tweets by raissawriter

Copyright © 2023 · News Pro Theme On Genesis Framework · WordPress · Log in

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish.Accept Decline Read More
Privacy & Cookies Policy

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. This category only includes cookies that ensures basic functionalities and security features of the website. These cookies do not store any personal information.
Non-necessary
Any cookies that may not be particularly necessary for the website to function and is used specifically to collect user personal data via analytics, ads, other embedded contents are termed as non-necessary cookies. It is mandatory to procure user consent prior to running these cookies on your website.
SAVE & ACCEPT