Opinyon ni Raïssa Robles
Hindi daw kailangan ng isang partido upang tumakbo bilang presidente, ang kibit balikat ni Senador Grace Poe.
Sabi rin ng “political partner” niyang si Sen. Chiz Escudero: “Our party is the Philippines, and the members of our party are the Filipino people.” Tatakbo daw silang dalawa bilang “independent”.
Magpapa-ampon na lang sila.
Ang tawag nila sa kanilang tandem ay “Partido Pilipinas 2016”.
Siguro dahil may mga nagtatanong na makukulit na reporter, minabuti ni Sen. Chiz na magpadala ng text message na wala siyang balak mag-register ng isang partido political sa Comelec na may pangalang “Partido Pilipinas.”
Sa totoo lang, ngayong lang ako nakarinig ng dalawang seryosong kandidato, magmula 1992, na bina-balewala ang pagkakaroon ng sariling partido para tumakbo bilang presidente.
Bise presidente, puwede pa. Pero kailangan ng kandidato sa pagka-presidente na magtatag ng sariling partido. Hindi sapat ang magpa-ampon sa ibang partido.
Si Senador Chiz nga, e. Nag-dropout siya sa 2010 presidential race dahil hindi siya inendorse ng kanyang partido noon na Nationalist People’s Coalition. Ngayon sasabihin niya, hindi naman pala kailangan.
Ang basa ko kung bakit ganyan sila Sen. Chiz at Sen. Grace Poe, dahil umaasa sila sa ilang mga bagay kabilang na ang:
Star power – maraming mga movie stars ang sasama sa kanila na libre. Nandyan na sina Carmina Villaroel at Zoren Legazpi. Malamang si Mother Lily magpapadala ng mga stars niya. Kaya siguradong dadagsain ang kanilang mga political rally.
Sa totoo lang, isa sa mga paborito kong aktres ay si Heart Evangelista dahil hugis puso ang mukha niya at malambing siya. Kahit umupo lang siya sa entablado, ayos na.
Wala silang problema na baka langawin ang kanilang mga rally.
Pagka-Number One sa poll survey ni Sen. Grace Poe – Masdan niyo, hindi pa siya nangangampanya, ha.
Pagkamatalino at matapang – Napanuod ko si Sen. Grace Poe noong namuno siya sa Senate hearing tungkol sa Mamasapano. Napahanga ako sa tapang at talino niya. Biruin mo, punong-puno yung kuwarto ng pinakamataas na opisyal ng sandatahang-lakas at kapulisan.
Hindi siya nasindak.
May isang eksena na binara pa niya si Sen. Bongbong Marcos na pinagpipilitang ilihis yung isyu.
Ang hearing ay nagpakita na may ibubuga pala si Sen Grace Poe.
Si Sen Chiz naman, kahit anong tanong, may sagot. Parang robot nga lang ang tono ng pagsasalita niya. Pero alam mo, mautak siya talaga.
Silang dalawa ngayon – si Poe-Chiz – ay nagpasiyang itaya ang kanilang kinabukasan. Tatakbo sila sa 2016 nang wala man lang tinatatag na political party.
Tawagin natin itong “counter-intuitive approach.”
Mas mahirap itong gagawin nila dahil ayon sa ating batas – Republic Act No. 9639 o “Poll Automation Law” – wala silang matatanggap na “official copy” ng “election return” at “certificate of canvass” kasi “accredited major national parties” lang ang may karapatang tumanggap ng kopya.
Paano yon? Paano nila malalaman kung nagkakadayaan na?
Hindi naman sila puwedeng umangal kapag bilangan na dahil sila mismo ang nagpasya na huwag magtayo ng sariling partido.
kalakala says
It’s Party Pilipinas folks. Let us sing our favorite kiddie song I have two hands
I have two hands
The liftist and the rightist
Hold them up high
Which one is clean and bright?
Clap them softly 1,2,3
Clean RIGHTISTS are good to see
MARLEN RORO
Kahit anong lapit o pakikisama sa mga katrabaho o sa lipunan, hindi makapitan ng dumi. Their integrity and characters still intact.
Victinluz says
In statistical survey , if you are made to choice 3 ( three ) presidentiables ,without naming your 1st ,2nd and 3rd priority among the 3 , then you are just favoring somoene to improve their records , most likely the 2nd or the 3rd..
REAL and TRUE statistical survey is to choice only 1 or number 1 priority to be our P next 2016 , this is the CORRECT and NEAR PERFECT survey. No more no less.
Victinluz says
Isa lang ang bakante na Presidente sa 2016; WHY choice the TOP THREE? That 13% increase of ROXAS ( total of 24% ) if they are allowed only to choice 1 candidate to become our P, then that 13% will be added to GRACE so SHE will be PULLING AWAY by a miles at 57% , a survey taken when GRACE have not yet declared HER candidacy @CPMERs…21% ROXAS and 21% BINAY…
Victinluz says
sorry ROXAS 34% – 13% = 21%
juanlee says
i choose roro. as in roro our votes gently to our dreams. merrily merrily, the philippines will be great again.
raissa says
LOL
dangalathirap says
Hi Victin. Don’t you think you are putting too much stock on somebody with a very dodgy character? kindly read on:
Grace Poe, walang loyalty, consistency and stability. Why? Here are the windows to her very unstable peronality:
1. Finished Primary School sa 2 Schools St Paul College of Pasig and St Paul College of Makati, and finished her Secondary sa ibang school, Assumption College San Lorenzo;
2. Entered UP and studied there for 2 years before quitting and transferring to Boston University;
3.She Graduated in 1991 and did not work until 1995 when she was hired as a preschool teacher;
4. She quit the teaching job after 3 years;
5.In 1998 she worked for the US Geological Survey as a Procurement Liason and quit after 1 year;
6.She worked as Product Manager for CSc Scientific and quit again after 3 year;
7.She went home to the Philippines to help in FPJ’s campaign but returned to the USA afterwards and only came back when his father suffered a stroke;
8.In 2010, she was appointed MTRCB chairman by Pnoy but quit again after 2 years to run for Senator;
9. In 2012, She was elected Senator with the help of the Liberal Party but quit again after 2 years to run for President in 2016, against the Liberal Pary and Pnoy who gave her all the support and break in her political career.
Totong says
FAMILY TREE – DNA
Pag si Grace Poe ay naging Pangulo ng Pilipinas, madaling mabuo ang kanyang talambuhay, napaka-ikli
hanggang 1968 lang. Ano kaya yung mga anak nya wala kayang interes na hanapin ang Lolo at mga Lola nila, kataka-taka sa isang katulad ni Grace Poe na isang Senador at gustong maging Pangulo ng isang Bansa ay talikuran at di na magsigsa na hanapin ang tunay nyang mga magulang. Isangdaan porsyento ng katulad nya na adopted child pag lumaki ay hahanapin ang mga magulang kapatid o mga kaanak…
Totong says
Strange Attitude! not a good image, not a role model to be..
Vhin AB says
@Totong, dahil sa posibilidad na alam na ni Grace Llamanzares ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Sana lamang ay ibahagi niya sa taumbayan na nagtiwala sa kanya na iluklok sa pagka-senador. Alam naman natin na ang nagpalaki sa kanya ay si Susan at FPJ na kilala naman natin na mga taong matino na magtuturo ng kabutihan sa kanya.
Pero sana ay huwag ikahiya ang natuklasang bahagi ng buhay niya, kung meron man,
moonie says
ayaw yata niyang ma-debunk ang foundling story na pinagmalaki niya. a lie told took on life, so big now and out of control. too late now for grace llamanzares tells the truth about her true parents. nag-deflect na si susan at nasabing, “ang singungaling ay kapatid ng magnanakaw.” I think, susan spoke too soon, her words may come back to bite her. she might be in it too, happened during her watch: a lie perpetuated.
sa pagtuturo sa iba ay naturo ang sarili.
Vhin AB says
Sana nga ay makakatingin si Susan sa taumbayan at masasabi niya na wala siyang alam sa pagkatao ni Grace Llamanzares , kung ito nga ay anak ng kanyang kapatid o anak ni Marcos.
Posible rin kaya na may nakaambang panganib kaya tikom ang bibig? Maaari rin naman na may reputasyon na inaalagaan o pinoprotektahan. Tanging si Susa Roces Sonora lamang ang nakakaalam.
Totong says
Ang Simula ng Pagkasuya kay Senadora Grace Poe
Matatandaan na ang Senadora ay very active sa Napoles hearing. She was like the young MDS marami ang humanga sa kanya at Darling sya noon ng marami sa Blog ni Mam Raisa..
1. Public Order No.1.Nang magsimula na ang hearing sa Binay Hacienda, dito na nabago ang pagtingin ng CPMER kay Grace Poe dahil tameme siya ni hindi nakialam – ang reason nya sa Public Order daw ang kumite nya…Para makalusot siya binuksan nya ang Purisima NP mansion at Purisima Hacienda syempre busy na siya so hindi na siya maa-asahan sa Makati Hearing. Ang puna ng mga tao iniiwasan nya si Binay. Sa ginawa ni Grace medyo nahati ang pansin ng mga tao, putok na putok si Binay at Purisima pero si Binay 350 hectare kumpara kay Purisima 4 hectare-,hmm.
parang sinadya ano? hindi matuon ang pansin sa iisang tao. so success si Grasya napatalsik si Purisima.Nasira ang image ng Pangulo dahil Purisima was very close to the President. Natapos si Purisima. On going pa rin ang Senate hearing kay Binay, napasyal si BB Marcos at si Osmena sandali lang at onetime pareho Where is Grace Pumasyal ng MRT at naging busy ulit. (remember bukang bibig ito ng mga anti Pnoy at anti Mar ang 3 letter na ito MRT ang isinusuka ni Mar dahil pag nasira yan at nagkaroon ng aberya si Mar daw ang may kasalanan, kahit yung Driver nyan nakatulog at nabangga si Mar pa rin ang sisisihen…Hanep!!
2. Public Order no.2 MRT Busy si Senadora Grace picture taking sakay sa MRT Binulatlat ang Problema sa MRT sabit si Mar kahit hindi na nya hawak ang DOT at the same time sakay lahat ng tirador lalo na si Binay at tinira si Mar pailalim – sira na naman ang image ng Presidente dahil ka-alyado si Mar ng Pangulo. In the meantime Si Senadora Grace no say pa rin sa corruption ni Binay.
3. Public Order no 3 Mamasapano busy na naman si Grasya talagang minamalas si Purisima wala natuhog na talaga si Purisima dito si Mar may tama din pero hindi gaanong malma. Ang Pangulong Noynoy basang basa na talaga ang image. at parang nasigaw ni Pnoy…Ano ba yan? Gracia! magkaibigan ba tayo? hindi ako ang kalaban…
4. Para naman narinig ng nasa ITAAS ang kiming sigaw ng Kapitan ng Barko (pangulo) – ay biglang nagbago ang ihip ng hangin. ang armas at kanyon ni Gracia ay sa iba pumaling. Ng magpirmahan na sa plunder case ang mga Senator laban sa vice Pres. di na makaiwas si Gracia, Kung di sya makikipagblood compact sa Good Senators mabibisto sya na bias sya kay Binay kaya pikit mata sya ay pumirma..at dyan nagsimula ang susunod na kabanata
5.Nagalit ang Kumareng Nancy sa Kumare nya at nagpatutsadahan ang dalawang Bongga, bakit ka pipirma laban kay Papa ikaw pa naman ang magiging bise nya. A Basta ako’y honest at tapat wag kayong umasa di pa ako nagpapasya…umu-usok ang labanan laging may sunog sa pahayagan. Si Toby ng Una ang nauna kasunod si David na talunan sa kanilang kamay tangan tangan papel na katibayan na si Gracia daw di anak ng Bayan
6.Naiyak na si Gracia dahil dumadami ang kaaway nya, kaya hanap sya ng Goliath na pantapat kay David at dyan lumabas si Chiz. Maraming naawa kay Gracia pati LP. Tawag ang PRESIDENTE kay Gracia dito ka na sa amin tutulungan ka kay Mar ipapatner ka. Pero ang Gracia ay galit pa kasi daw ang LP na si Erice ang nag push kay David. Ang sabi ng Pangulo di totoo si David ay di ka ano-ano, sama mo si Chiz usap uli tayo.Pero walang nangyari basted ang Pangulo ayaw ni Gracia ng bise gusto nya wala na si Roxas at si Grace for P at Chiz for VP. —Dito mapapansin ang Ugali ni Grace Poe walang Give and Take, gusto nya lang Take ng Take. Presidente pa ang nakikiusap, ang tao na nagbigay sa kanya ng pagkakataon at naging Senadora nga sya. Kung hindi kay Pnoy baka nasa USA sya at teacher pa rin at nagtuturo sa Kindergarden school. parang Binay na caretaker ng Makati na ang naglagay kay Binay ay si President Cory hindi caretaker ang nilabasan kundi Racketeering ng Makati.
7.Sa mga pangyayari sa aking palagay at opinion si Grace Poe ay walang Utang na loob kay Pnoy. Lagi ang sisi n’ya ay sa Administration ni Pnoy di pala sya tulad ni MDS na gumagamit ng lens na may cross hair on target alam ang kaaway. Di nyo ba napansin ang kalaban ni Grace Poe at ni Chiz ngayon ay si Mar. Public order no 1, 2 and 3 iyung 1 and 2 talagang sinadya na maukol ang pansin dyan. dahil isinabay kay Binay. At iyung no. 3 ay nagride doon at pinausok.
At ang kahuli-hulihan ay ang INC. Dito nagmintis si Grace Poe dahil minamali na naman nya ang administration ni Aquino.at nabisto trapong – trapo ang dating. Magbigay o maghanap nga tayo ng bagay na nakipag collaborate si Grace Poe sa Administrasyong Aquino na nagpaganda sa image ni Pnoy – WALA, NADA
dangalathirap says
Kung ako isang ampon at may naririnig akong haka haka na anak ako ni Marcos, isang taong kinamumuhian ng sambayanang Pilipino, my natural instinct would be to ask my parents to debunked this claim thru DNA, or I would take it upon myself, for the sake of my children and myself to have my DNA tested.
Pero wala ka man lang naririnig na denial or conviction kay Grace Poe na sagutin ang mga haka hakang ito sa pamamagitan ng agarang pag DNA testing. Salungat ito sa kanyang pinakitang paguugali noong inuusig niya si Purisima ng ipakita niya sa taong bayan na hindi siya tumigil hangang hindi niya naipapalabas ang katototohan.
Kalahari says
Excerpts from Babe Romualdez’s column at Philstar today “Choosing the 16th President in 2016”
“Grace Poe, on the other hand, has no major baggage as far as issues and allegations are concerned. However, the citizenship and residency issues will hang over her head like Damocles’ sword. One negative issue that is being thrown against her is her lack of experience – but then again, this was the same issue that President Aquino faced when he ran in 2010.
Grace’s lack of a political party could become a hurdle because a well-oiled party machinery could make a big difference at the grassroots level.
But according to some people, the biggest handicap of Grace Poe will be Chiz Escudero himself because of the resistance from certain sectors of society. For some reason, Chiz comes across as a liability – perhaps because of the negative publicity surrounding his personal life.”
moonie says
begging your pardon po, I think, maraming baggages na bitbit si grace llamanzares.
isa yong legacy ng tatay niya, lot of people still dont know kung anong magandang legacy iniwan ng tatay na dapat ipagpatuloy. legacy ba na mahal ang movie tickets at lalong mamahal pa? isang lang an inampon kahit multimilyonaryo at kayang-kaya namang umanpon ng isang dosenang orphans, give them roof over their heads send them to school. legacy of being close friend ni marcos that is why her son brian is already on the track, chasing after younger women while itinakwil yong isa?
legacy of being rejected kahit gaano kasikat, not standing by him and not voting him as president, and then, getting depressed and not seeking therapy for depression kaya ikinamatay tuloy?
moonie says
correction: the people not standing by him and not voting him as president . . .
parengtony says
FPJ won in 2010 (inspite of Lacson’s spoiler play).
I do not think you are really of the opinion that GMA did not cheat.
moonie says
since you’re bringing up gma, feel free to talk about her.
crichton prime says
Ha ha!!
juanlee says
isang legacy ni fpj ay marami siyang naging anak. hindi lang si lovi poe. hahanapin kaya ni gracia ang mga kapatid-niya-sa-ampon. hindi naman kapatid niya sa labas, hindi naman kapatid sa ama o sa ina…ika nga e half sibs. abangan, sino kaya ang half sibs ni gracia?
moonie says
sa mga pelikula niya, fpj was always the one triumphant against evil, always the strong man able to right the wrong, go after the enemies, passed all tests no matter how hard, overcame all obstacles and came out intact, all heroic and glorious.
sadly, he did not learn lessons from his top grossing movies we paid big bucks to see. did not lived to fight another day, another time, another battle. his strong character was all a show, pakitang tao lang pala, and did not rub on him. when confronted with real life where he is writer of his own script, master of his own destiny, how easily he buckled and gave up his scalp. no take two needed.
vander says
@moonie,
kung ang isang tao ay nasanay mabuhay sa kathang-isip,
siguro, hindi niya kayang batahin ang mabuhay sa katotohanan.
ang katotohanang siya ay talunan.
isang panday, natalo ng isang babaeng maliit!
sa pagiging bida niya, ang matalo ay isang kahihiyan.
Rasec3 says
TRADITIONAL POLITICS is when politics are driven by traditional and conservative values.. TRAPO’s are driven by additional of conserved values ( assets ) :D :D :D… matagal pa ang election 2016.. words play muna tayo :)
moonie says
bagong umaga, the concept stolen from top rating show, umagang kay ganda? bagong gising si grace, nagmugmug muna, will have chiz on toast for almusal.
baycas says
Take 2…
It’s well known that Mang Gani is stil ‘bighani’ with Grace Poe…
Mang Bernie and Manung Jusip recently teased Mang Gani…
baycas says
It’s well known that Mang Gani is stil ‘bighani’ with Grace Poe…
Mang Bernie and Manung Jusip recently teased Mang Gani…
Rene-Ipil says
“In a phone interview on Saturday, Erice, the LP policial affairs chief, said that based on a preview of the latest Social Weather Stations (SWS) survey, Roxas had surged to second place, overtaking Vice President Jejomar Binay and behind Sen. Grace Poe.
“Erice said Roxas made the biggest jump among the three presidential hopefuls in the SWS survey, which asked respondents to name their top three choices for president in the 2016 elections.
“He said Roxas improved his rating by double digits while Poe and Binay made slight gains.
“The SWS conducted the survey earlier this month. It was the third in a series of pick-three surveys. All other polls ask respondents to choose only one candidate. BusinessWorld will publish the full results tomorrow.”
Read more: http://newsinfo.inquirer.net/723668/roxas-beat-binay-in-latest-poll-erice#ixzz3mEI8TS5S
In the SWS June survey Poe, Binay and Roxas scored 42%, 34% and 21%, respectively. Roxas made double digit gains while Poe and Binay had slight gains. Meaning that if Poe and Binay gained two points each, Roxas would have <bat least 37% while Poe and Binay would have 44% and 36%, respectively. The scores would look like this:
Poe 44%
Roxas 37%
Binay 36%
Let’s see BusinessWorld tomorrow. Indeed, I do it from time to time since the announcement has been overdue.
moonie says
this is wonderful, rene-ipil, considering nagsilayasan na ang mga kapartido ni roxas at nagtakbuan duon sa partido pilipinas, iniwan ang LP.
baycas says
Current events, real or conjured, may influence survey results…
http://raissarobles.com/2015/07/27/my-sketch-of-philippines-most-wanted-man-communist-leader-jose-maria-sison/comment-page-2/#comment-321998
Pagalingan ‘yan…”timing” is essential…
As well as “framing“: From ‘personification’, ‘prosecutor’, ‘persecution’, to ‘poe-secution’ (in a 4-runner race)…
“And the survey said…”
baycas says
https://www.goodreads.com/work/quotes/2837-absolute-power
baycas says
http://lifestyle.inquirer.net/189296/in-their-own-words
Rasec3 says
It really cought my eye, In their own words.. Grace Poe – Her most marked characteristic….candor? CANDOR? Her body language don’t think so… simple meaning of Candor to me is… The quality of being open, honest and sincere…
Vhin AB says
Matatandaan na si Erap ay super lakas noong 1998 pero kinailangan pa ring gumastos ng napakalaki, magtayo ng sariling partido (PMP) at makipagkompromiso sa mga negosyante at pulitiko para lamang masiguro ang panalo.
Sa ngayon ay walang kasiguruhan pa sa kaso ni Sen. Grace Llamanzares sa citizenship & 10-year residency kaya walang sumusugal na partido. Naghihintayan pa sa resulta mula sa SET at SC bago tuluyang i-adopt ng mga partido kagaya ng NPC.
Kaya isang malaking GIMIK sa tingin ko ang sinsasabing ang Pilipinas ang partido at ang taumbayan ang miyembro. Kakainin lahat ang sinabi kapag nakalusot na at ang dahilan na ibibigay ay upang kunwari ay maiwasan na madaya sila sa halalan.
Tandaan na puro beteranong pulitiko ang backer ni GP-CHIZ. So let’s wait and see sa mga galaw nila.
parengtony says
Malayo sa katotohanan ang kwento mo tungkol sa Erap 1998 campaign.
An Observer says
Here is an article of Randy David over Poe’s priorities if elected president.
http://opinion.inquirer.net/88682/grace-poes-20-points
moonie says
thank you, po. I cannot take grace llamanzares seriously. she still talks like a kindergarten teacher yet to teach in primary school. hindi pa sapat ang substance. kulang ng patis at ketsup. yong 20pts niya ay parang shopping list na ginawa without 2nd thought. sayang ang political science na pinag-aralan, did not put into practice. she does not seem to have the patience to sit and sift through, to think it over. americana kasi.
canadadry says
PARTIDO PILIPINAS NI ASAWA,ANAK AT PILIPINONG GRACE : WALANG IWANAN?
Gng Grace Poe,
Katangiang dapat sa isang Pangulo ng Pilipinas: Pagmamahal sa sariling bayan
Ang pagmamahal sa sariling bayan ng isang humaharap bilang kandidato sa pagkapangulo ng Pilipinas ay napakasagrado at napakahalagang katangian. Kung ang pagmamahal sa bayan ay susukatin sa inyong katauhan, babalikan ng mga maghahalal sa inyo ang inyong mga ikinilos nung nakaraan.
Malinaw na tinalikuran ninyo ang Pilipinas nung nagapply kayo ng US citizen dahil mas pabor sa personal interes niyo noon-walang gaanong kita sa Pilipinas, at inamin ninyong hindi naman kayo artistahin.
Nang pabor sa interes ninyong maging Pilipino ulit dahil sa magandang offer na trabaho as MTRCB head, tinalikuran ninyo ang pagiging amerikano at dali dali kayong naging Pilipino ulit. Ngayon, natural na sasabihin nyong mahal nyo ang Pilipinas kasi mas pabor nga naman sa personal interes nyo pag naging Pangulo kayo ng buong Pilipinas.
Kung wala palang offer sa inyo hindi pala kayo babalik para maging Pilipino?
Ang nakakalungkot sa Partido Pilipinas na inyong binuo ni Ginoong Escudero ay inyong pagpili ng battlecry na “walang iwanan”. Nakakalungkot dahil sa ang kandidato nito sa pagkapangulo ay minsan pang iniwan ang Pilipnas dahil sa walang kuwentang maging Pilipino noon. Nakakalungkot sapagkat ang kandidato sa pagkapangulo ng Partido Pilipinas ay siyang kaunaunahang kandidato sa history ng Pilipinas sa presidential election na on record ay minsay nagrenounce ng Philippine citizenship.
Ngayon Gng Grace Poe, ilagay nyo po ang sarili nyo sa mga taong boboto, iboboto nyo po ba bilang Pangulo ang taong mas piniling talikuran ang pagiging Pilipino at iwanan ang Pilipinas kasi walang kuwentang maging Pilipino noon?
Marahil, kung ganon, miski po ang inyong butihing ama, ay hindi kayo iboboto.
moonie says
partido pilipinas, ang standard bearer nito ay isang american citizen.
bcoolman says
At minsan na ring sinubok ang iyong pagkatao ng tanungin ka kung ikaw ba’y willing na kumandidato sa pagkabise ni Mar Roxas kung ikaw ay aalokin nito. Ang sabi mo eh wala ka namang pormal na imbitasyon o offer galing sa kanya. Eto namang si Mar dahil sa masugid ang kanyang panunuyo inofferan sya sa harap ng media pra wala syang masabi at saka pumunta ng bahay ng personal upang kausapin. Pero ano nangyari? Pinaasa lang sya sa wala. Eto ba ang dapat na ugali ng isang taong may magandang hangarin?
M C says
Natanngap ko ang impormasyon na si Roni lamang sa mga pulitiko ang nandun. Sya ang manghihikayat para sa suporta ng NPC kapalit ng pangako sa kanya ng pagiging Speaker. Susuporta din sa kanila ang mga Marcoses dahil sa pangako na ipalilibing ang istatwa sa Libingan ng mga Bayani. Yan ang dahilan kaya hindi na kakandidato pa si Bonget.
For me, the interloper is just the “alternative” or the “insurance” knowing that senyor kho rheena will never make it. MAR (Manuel A. Roxas, Jr.) is the candidate of the LP while the interloper is the candidate of simyon. Its Part II of the Teodoro fielding. The endgame is to avoid jail time for benigno at all cost.
leona says
Kung tutuO yun dalawa – [email protected] ay walang partido kundi PARTIDO PILIPINAS, opisyally ito ang aksyun toy nila, at naka tago lang ang NPC sa likod ng dalawa,
malakas ang pag ka halata na hindi na tutuO walang partido kundi NPC ay sa likod,
di ba – ANG SINUNGALING AY KAPARTIDO NG MAGNANAKAW?”
Madali ba ma intyindihan ng mga tao ang TAGUAN nito eskema ng DALAWA?
Siyiempre ma lalaman ng mga karamihan may SEKRETO ang [email protected] toys dito!
Pag sekreto ang sinungaling KAPARTIDO nga MAGNANAKAW!
Bad! Bad! and soo BAD!
balayang says
SUCK IT TO ‘EM LEONA ☺
martial_law_baby says
@Leona si Grace Poe, iniwan ang pagka Pilipino, naging Amerikana, tapos iniwan ang pagka Amerikana, nagbalik maging Pilipino dahil convenient na ulit. Si Chiz Escudero iniwan ang NPC ng hindi makuha ang gusto, tapos ngayon bumabalik sa NPC. Iniwan nya rin asawa nya para sa mas batang si Heart Evangeslista. Tandem ito ng mga mang iiwan. Pag naupo sa pwest ito mang iiwan din ito. It tells a lot about their character and demeanor. Yung mga ginawa kasi nila are not ordinary things but rather are life changing events, ibig sabihin, pinag isipan nila ng matagal ang mga iyon. Nakakatakot ang kanilang pagkatao.
leona says
Let’s ’em swallow what they suck . . . balayang @ martial_law_baby
. . . . a dengueros deliberate demonyeanor walang ka partido ng Pilipinas!
I-wanan NATIN din si [email protected] katumbas ng INIWAN tayong Bayan at ang Asawa!
Nakakatakot ng pagka Tao –
baycas says
Patok sa takilya ang KALIWAAN…
Platapormang KALIWAAN uso rin…
Madaling KINALIWA nang isa ang bayang grasiya at nag-angkin sa kaniya…
At ang isa nama’y madali ring KINALIWA at iniluwa ng keso ang mainit sanang kabiyak na pandesal.
Entertaining!
Victinluz says
Kung walang partido sina Grace at Chiz , so GOOD for TAGA ROXAS ,,,in the bag na ang manok ninyo na mananalo next 2016 sa pagka P bakit parang NENERBYOS kayo . No need to WORRY isn’nt it TAGA ROXAS?
Vhin AB says
Importante ang partido at alam natin lahat yan. Ang hindi natin alam ay ang tunay na dahilan ni GP-Chiz at ang end game nila.
bandofbros says
Its just probably a campaign play to make them kawawa kasi walang partido.
Victinluz says
WHY do you worry about the END GAME? You all said here that it’s very important to have a PARTY and POE has NONE then ROXAS was on the ADVANTAGE NOW… SO why WORRY THEN? KAMI na TAGA POE o TAGA GRACE alam namin at ramdam namin an avalanche of turn coats are now with us he he without a PARTY and still politician coming from different political parties CAME and FAST COMING to suppport the CANDIDACY of GRACE… It was not only SOMETHING @CPMERs it is EVERYTHING – LEAF FROGGING in liking/supporting GRACE.
Rasec3 says
Charles De Gaulle, legendary president of France once said… How can you govern a country who has almost 300 kind of cheese? with due respect sir.. how can you govern Philippines with 7000 islands, 100 dialects, million of balimbing and one @Victin :D Long way to go for election 2016..anything can happen, have lots of popcorn. Go RO-RO….
Victinluz says
@@RASEC,, i will meet you at half way ha , i will go GRACE – LANI…he he …sama ako sa iyo pag ganito ang team up.
Victinluz says
He he @Rasec hindi ako balikbing kay Grace ha eversince ,, sa VP , i can still select , although parehong bicolano’s and nas and dalawa both can be a good VP of GRACEPOE..
martial_law_baby says
@victinluz, huwag kang magtaka kung ang lulutuin ng bff ng paborito mong kandidato ay Binay-Escudero. Ganyan ka desperado ay katuso yang si Escudero. Ilang beses na nyang ginawa iyan sa buhay nya ang mang iwan ng mga kasama. Kaya mahirap talagang pagkatiwalaan ang judgement ng Grace Poe mo. Pagkuha palang sa ka tandem palpak na.
leona says
Ang balita today daw sa ‘bar news’, ay Binay might get HONASAN for VP!
. . . parang ‘O na saan?’
ha ha
baycas says
Menu:
Kulang pa…
netty says
When do you serve the meal?
AL TANG HAP ala FPJ .. side dish of course , steamed rice combo.
baycas says
Don’t forget the dutert for dessert…
Du30-deLima Bean Fritters a la mode…
Party all day, @netty.
Party Pilipinas!
(ASAP SOP = as sure as paid by the same old party!)
Entertaining!!!
Vhin AB says
Ikaw ang worried dahil sabi mo na si GP at Chiz ay walang partido kaya “in the bag” na si Roxas
Now ang possible end game ay kakapit din pala sa partido at sa mga tao na naging instrumento ng pandaraya sa tatay nya. Isama na natin ang kagaya ni Jalosjos-musmos, Maceda etc. Daang matuwid din daw kagaya ng tinahak ni PNoy kaya observe pa natin. Sana huwag namang Daang Binay.
balayang says
Kaya nga ako ninirbyos eh dahil sa ang declarasyon venue ay KATULAD ng politicking ni Binayaran: parehong cara of the same gold coin, baga ☺
rey says
ask ko lang sino ba umattend sa proclamation ni Poe sa UP? mga estudiante or hakot sa labas?
bandofbros says
Nenerbyos ako dahil taga Pilipinas ako at hindi taga Roxas… Away at basag bote lang ang dadalhin ng party pilipinas